^

PSN Opinyon

Coco Martin, kabilang sa 10 OFW na pinarangalan ng Rotary

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Napabilang ang aktor-director na si Coco Martin sa bagong  Ten Outstanding Overseas Filipino Worker na pinarangalan kamakailan ng Rotary Club of Bagumbayan-Manila (RCBM) para sa taong 2024-2025.

Matatandaan na si Martin (Rodel Pacheco Nacianceno sa tunay na buhay) ay dating nagtrabaho bilang janitor sa Canada sa loob ng siyam na taon bago bumalik at naging sikat na artista sa Pilipinas.

Isinagawa ang parangal sa Ten Outstanding Overseas Filipino worker sa isang seremonyas ng RCBM sa Midas and Casino Hotel, Pasay City noong Abril 11, 2024. Hindi naman nakadalo sa okasyon si Martin dahil masama ang pakiramdam pero nagpadala siya ng video message na nagpapasalamat sa parangal na ibinigay sa kanya ng RCBM, ayon sa isang opisyal ng organisasyon.

Taunang isinasagawa ng RCBM ang paggawad ng parangal sa Ten Outstanding Overseas Filipino Workers na isa sa mga pangunahing proyekto nito at nasa ikaanim na taon na ngayong 2024-2025.  Ang RCBM ay isang NGO na tumutulong sa mga kapuspalad na nangangailangan ng gamot, nagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral, programang pangkabuhayan, ayuda sa mahihirap na pamilya, free cataract operation, mammogram and other sickness, free pacemaker, free kidney dialysis at marami pa.

Panauhing pandangal at tagapagsalita si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” H. Lacuna-Pangan na siyang naggawad ng parangal sa 10 natatanging OFW para sa 2024-2025. Kasama niya sa paggawad ng Plaque of Recognition sa mga awardee sina RCBM President Jojo Uy Ching; All-Star President (ASP)/Past President (PP) Manny Inserto;  Chairman, PP Eric Marquez,  Past District Governors Ernie Choa at Danny Yu, Board of Advisers.

Ayon sa RCBM, binibigyang-pagkilala nila ang Ten Outstanding Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa napakahalagang ambag nila sa pagpapatatag sa bansa at pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang remittances, pagpapamalas ng huwarang liderato sa community service, natatanging paggawa sa napili nilang larangan, pagiging samaritano sa kapwa nila manggagawa, at ipinakita nilang kabayanihan sa kani-lang mga kababayan at ibang lahi.

Kabilang sa mga awardees sina Rodel  Nacianceno a.k.a. Coco Martin, worker in Canada at ngayon ay Hari ng Primetime - FPJ’s Batang Quiapo;  Dr. Joseph Berlin P. Juanzon, general manager ng Bader Maintenance and Construction sa Kingdom of Bahrain at ngayon ay Board of Regent ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM); Dr. Ronald P. Romero, head of logistics at TNT, United Arab Emirates at nga-yon ay Vice President for Academic Affairs ng PLM; Captain Rodel V. Mangaba, seaman at Master Mariner at nga-yon ay Panel of Examiner Marina for Major/Minor Patrons and Boat Captains; Evelyn R. Refugio, nurse sa United Arab  Emirates;  Leah de Guzman, Regional Finance  Director PT Aluvindo Extrusion of Indonesia at ngayon ay Chief Finance Officer ng Telecom Meycauyan; Hope B. Francisco, Cost Accountant of PolyTech Maintenance and Industrial Operations Co., Ltd, sa Kingdom  of Saudi Arabia at nga-yon ay  Assistant Finance Manager ng AlliedKonsult Eco-Solution Corporation; Engr. Cipriano P. Abdon, Metrology Engineer ng Precision Measurement Equipment Laboratory sa Kuwait at ngayon ay President of Asian Electrosystems Corporation; Captain Gerald L. Flora, seaman at Master Mariner at ngayon ay Master of IMS Japan Chemical Tanker Vessel at Roseller I. Martinez, Auto Mechanic Supervisor ng  Micron Precision Tooling Ltd., Thailand at Toyota Motors UBO, Japan at ngayon ay may Negosyo para sa 2-wheel at 4-wheel cars.

Sa naturang seremonya ng parangal, nanguna sa invocation si RCBM Director Bernie Ngo kasunod si Past President (PP) Eric Marquez na nagbigay ng Welcome Address, at President Jojo Uy Ching na nagpakilala sa panauhin pandangal at tagapagsalita sa mahigit 100 guests. Nagbigay ng inspirational message si RCBM Past District Governor Robert Khoa habang sa closing remark ay si ASP/PP Manny Inserto, na tagapangulo ng flagship project na ito.

Masters of Ceremony sina Past Presidents Juanito Kaw at Richard Chua Chiaco.

* * * * * * * * * * *

Email address – [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with