^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paglilinis sa PNP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Paglilinis sa PNP

HINDI malilimutan ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil nang italaga siya sa puwesto ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Abril 1. Sabi ni Marbil sa kanyang talumpati, isasakatuparan daw niya ang mga ninanais ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa ikauuunlad ng bansa. Isasakatuparan niya ang mga pangarap nito na maging­ matatag ang ekonomiya, maayos na lipunan at maayos na kapulisan. Si Marbil ang ika-30 PNP chief. Pinalitan niya si Gen. Benjamin Acorda Jr.

Ang sinabi niyang “maayos na kapulisan” ang ina­abangan ngayon ng mamamayan. Hindi naman lingid­ sa lahat na nakulapulan ng dungis ang PNP. At walang ibang may kagagawan ng pagbaba ng imahe ng PNP kundi ang sariling miyembro. Sinira ng sariling kalawang. Pinababa ng mga scalawags.

Noong nakaraang linggo, apat na pulis ng Laguna ang sinampahan ng reklamo dahil sa pagkidnap ng resort caretaker sa Los Baños, Laguna noong Marso 26. Sinampahan sila ng reklamo sa Provincial Prosecutors Office. Kinilala ang dalawa sa mga pulis na sina alias Burda at alias Naredo.

Noong Marso 30, isang motorcycle rider ang pinagbabaril ng isang pulis sa San Dionisio, Parañaque City. Nilapitan umano ng pulis na si Jayrome Licuanan y Bulay-Og, miyembro ng PNP-Mobile Patrol Security Unit ng Aviation Security Group si Neil Wong, 27, at tinangkang agawin ang motorsiklo nito. Pumalag ang biktima at binaril ng pulis ng tatlong beses.

Noong Oktubre 8, 2022, isang pulis na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang nahulihan ng 1-toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa Tondo, Manila. Nakilala ang dating pulis na si Rodolfo Mayo. Kinasuhan at sinibak naman sa puwesto ang lahat ng opisyal at miyembro ng PDEG dahil sa pag-coverup sa nakumpiskang shabu.

Bagama’t may mga pulis pa naman na matitino at gumaganap ng tungkulin, gaya ng mga pulis sa Ali­tag­tag, Batangas na nakasabat nang halos dalawang toneladang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso, mas marami pa rin ang naliligaw ng landas at nagpapasama sa imahe ng PNP.

Isa sa mga wini-wish ng mamamayan ay magkaroon ang PNP ng mga pulis na mapagkakatiwalaan, marangal, matulungin, handang magprotekta at magtanggol at matapang laban sa mga kriminal.

Ito ang nararapat ihatid ni Marbil sa mamamayan. Huwag biguin at pagsikapang maibangon ang imahe ng PNP. At mangyayari lamang ang inaasam na ito kung magkakaoon ng tapang ang PNP chief sa pag­lupig sa mga pulis na gumagawa ng kabuktutan. Isakatuparan ang paglilinis para maging marangal at mahalin ng mamamayan ang PNP.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with