^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Online classes ngayong tag-init

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Online classes ngayong tag-init

KAHAPON, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampublikong eskuwelahan ang asynchronous o distance learning mode dahil sa matinding init. Ayon sa DepEd, ginawa rin ito para makahabol sa kanilang school work at iba pang requirements ang mga estudyante. Ngayon at hanggang bukas ay deklaradong holiday sa buong bansa. Babalik ang mga estudyante sa Huwebes sa kanilang face-to-face classes.

Ang tanong ay kung makakaya kaya ng mga estudyante ang mala-oven na classroom. Mula noong Abril 1-4, maraming eskuwelahan ang nagsuspende ng klase dahil sa matinding init. Sabi ng DepEd, maari namang magsuspende ng klase sa mga eskuwelahan na sobrang init. Ayon pa sa advisory ng DepEd, hindi dapat patawan ng obligasyon na pumunta sa paaralan ang mga guro at iba pang kawani ng paaralan.

Hanggang sa unang linggo pa ng Hunyo ang pagtatapos ng school year 2023-2024. Isang buwan pa ang bubunuin ng mga estudyante. Matagal-tagal pa ito. Sabi ng PAGASA, mararamdaman pa ang matin­ding init hanggang Mayo. Bagamat humina na ang El Niño, mararamdaman pa rin umano ang init. Kawawa pa rin ang mga estudyante na magtitiis sa iisang electric fan na nasa classroom. Marami sa mga estudyante ang basambasa na sa pawis.

Tutal naman at sinususpende rin ng DepEd ang klase dahil sa matinding init, bakit hindi na lang ituluy-tuloy ang online classes o distance learning mode. Sa natitirang buwan ng school year, magpatupad na lamang ng distance learning kagaya ng ginawa noong nananalasa ang COVID-19. Huwag nang mag-face-to-face classes sapagkat wala ring maiintindihan ang mga estudyante dahil nasa mala-impiyerno silang classroom. Ipagpatuloy na lamang ang nasimulang distance learning mode. Ito na lamang ang tanging paraan para makaiwas sa matinding init ang mga estudyante. Huwag nang hintayin pang magkasakit sila bago pa magpatupad ng kautusan na ibalik ang online classes.

Ang nangyayaring ito na apektado ang mga estud­yante sa matinding init ay dapat namang magsilbing paalala para ibalik sa dating school calendar ang pasok ng mga estudyante sa pampublikong eskuwelahan.

Kung ibabalik sa Hunyo-Marso ang pasukan, maka­ka­iwas sa matinding init ang mga estudyante. Hindi nila mararanasan ang mala-oven na classroom. Hindi na rin kailangang mag-suspend ng klase.

Ayon sa DepEd, maaaring sa 2025 pa maibabalik ang dating school calendar. Marami pa umanong pag-a-adjust. Nakapagtataka naman na aabutin pa ng isang taon bago ito maipatupad. Sana mapaaga ang paglipat sa dating school calendar.

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with