^

PSN Opinyon

P20 kada kilo ng bigas tutuparin ni BBM?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mukhang patutunayan ni Presidente Bongbong Marcos­ sa kanyang mga kritiko na kaya niyang maibaba sa P20 bawat kilo ang presyo ng bigas gaya ng kanyang campaign promise. Iyan kasi ang laging ikinakantiyaw ng mga kalaban sa pulitika ng Presidente na isang “pangakong napako”.

Inihayag mismo ng Presidente na sa Agosto, magbe­benta na sa mga Kadiwa outlet ng bigas sa halagang P29 kada kilo. Ayon kay National Irrigation Administration chief Eduardo Guillen, ang ani ng palay na nakuha sa Contract Farming na umaabot sa 100 milyong kilo. Talaga namang nakasalalay sa rami ng production ang ikabababa ng presyo ng bigas.

Sa panig ng Department of Agriculture, may balak din itong magbenta ng bigas sa nabanggit na presyo sa pag­dagsa ng supply ng butil sa Hulyo.

Kuntento na ako sa halagang iyan na mataas lang ng siyam na piso kaysa naipangako. Kung mangyayari iyan, at least mababawasan ng dahilan sa pangangantiyaw ang mga kritiko ng Presidente.

Ang kuwestiyon ay kung ito’y magiging pangmatagalan. Mahalaga kasi ang sustainability ng pagbebenta ng murang bigas.

Sana rin, hindi magiging pahirapan sa paghahanap ng outlets na mabibilhan ng murang bigas.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with