^

PSN Opinyon

Tangka sa buhay ni Kap Nimo, ‘‘ambush me?’’

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

ANG pagtangka sa buhay ni confessed jueteng bagman at whistleblower Alwin Nimo ay isang “ambush me?” isa ito sa anggulo na tinutumbok ng pulisya na humahalungkat sa ambush kay Nimo nitong Miyerkules Santo sa Bgy. Mariawa, Legazpi City sa Albay. Pang-apat na palang ambush ito sa buhay ni Nimo, na kilalang Kap Nimo, sa larangan ng jueteng. Si Kap Nimo mga kosa ang may hawak ng jueteng sa Albay noong kapanahunan ni ex-Gov. Al Francis Bichara.

Tinalo ni Noel Rosal si Bichara noong nakaraang election subalit sa kasamaang palad ay nasuspendi bunga sa kasong election campaign funds at pinalitan ni Vice Gov. Edcel Greco Lagman. Sinasabi ng mga kosa ko na itong panibagong ambush kay Nimo ay maaring jueteng din ang dahilan. Mismooooo! Inaakusahan kasi itong si Nimo na nagpapatakbo ng gerilya-style na jueteng sa Albay kaya humihina ang kubransa sa legal na Small Town Lottery. Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Bakit ambush me? Lumabas kasi mga kosa sa initial investigation ng pulisya na matapos paputukan ang kotse ni Nimo, ni hindi man lang nag-react ang mga bodyguards niya. Tsk tsk tsk! Dahilan ba ‘yun? Hindi lang ‘yan! Sangkaterbang pulis ang ikinalat sa kalye ni Bicol police director Brig. Gen. Andre Dizon dahil sa Holy Week at next to impossible na hindi maharang ang apat na suspects.

Ang Albay kasi mga kosa ay iisa lang ang entry at exit points, maliban lang kung ang mga suspects ay tumakas sa Matnog, Sorsogon kung saan dadaan sila sa dagat at ang bagsak nila ay sa kabilang isla o lugar. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Walang ibang tinutukoy si Nimo na nasa likod ng pag-ambush sa kanya kundi itong pulitiko na kinasuhan n’ya sa Office of the Ombudsman. “Wala po akong kalaban dito. One lang naiisip ko, ‘yung may case po,” ani Nimo. “That’s why I need to follow up with the Office of the Ombudsman kasi parang di gumagalaw,” ang dagdag pa n’ya.

Ang tinutukoy ni Nimo mga kosa ay si Lagman na kinasuhan niya ng administrative at criminal sa Ombudsman patungkol sa P8.16 milyon jueteng payola noong vice governor pa s’ya. Ayon kay Nimo personal n’yang dinideliber ang P60,000 weekly kay Lagman noong bagman pa siya ng juetneng mula Agosto 2019 hanggang June 2022. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Siyempre, deny to death si Lagman sabay sabing itong akusasyon sa kanya ni Nimo ay “politically motivated”. Aniya, malinis ang kanyang konsensiya. Ibinulgar pa ni Lagman na si Nimo ay may balak tumakbong gobernador sa 2025 midterm election. Ang sakit sa bangs nito, di ba mga kosa? Ano pa nga ba!

Si Nimo, 48, ay nag-aalmusal ng death threats, kaya ang kotse n’yang Chevrolet Suburban ay pina-bulletproof niya. Nag-hire din siya ng mga bodyguards at kaya naman niyang suwelduhan dahil contractor siya. Baka may naipon din siya sa jueteng dahil sa matagal niyang hinawakan ito noong panahon ni Bichara. Mismooooo!

Kahit lumutang man ang anggulong “ambush me”, hindi dapat magpatumpik-tumpik ang mga imbestigador ni Dizon para alamin ang puno’t dulo ng kaso kasi buhay ang nakataya rito. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with