^

PSN Opinyon

Sobrang tag-init mala-COVID

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang epekto ng napakatinding tag-init sa pag-aaral ng mga kabataan ay katulad ng ibinunga ng COVID-19 pandemic. Ayaw nating mangyari pero kalusugan ng mga kabataan ang nanganganib­ kung hindi isususpinde ang face-to-face classes­.

Kahapon lang, naibalita na dalawang senior citizens ang namatay sa heat stroke bukod pa sa ibang naitala noong mga nakalipas na araw. Malaking dagok sa edukasyon ang epekto ng El Niño.

Hindi magandang patagalin ang on-line classes dahil­ walang katiyakan kung talagang natututo ang mga batang mag-aaral. Madalas kasi, ‘yung mga magulang na lang ng kabataan ang gumagawa ng mga asignatura.

Sa mga magulang, sana naman pabayaan natin ang ating­ mga anak na gumawa ng aralin kahit sa on-line classes at huwag padala sa kanilang kapritso. Ang mga bata ang kawawa kapag walang natutuhan.

Kaya wasto ang panukala ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ibalik na sa lalong madaling panahon ang school opening sa buwan ng Hunyo hanggang Marso.

Kaso, sa mga panahong nabanggit, maaaring maging problema naman ang mga pagbaha at bagyo na madalas ding maging dahilan ng kanselasyon ng klase.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with