^

PSN Opinyon

Digong ‘di dapat mangilag sa ICC

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG ikaw’y isang well-meaning leader at naniniwala kang tama at para sa kabutihan nang nakararami ang iyong ginawa, hindi ka matatakot o pangingilagan ang anumang imbestigasyon ng sinumang kumukuwestiyon sa ginawa mo. 

Ang lantarang galit ni dating Presidente Duterte sa pasya ng International Criminal Court (ICC) na siyasatin ang mga drug related killings sa ilalim ng kanyang administrasyon ay puwedeng bunga ng pangambang malalantad ang ile­ga­lidad (kung mayroon man sa ginawa niya).

Baka may mga sinasabing nanlaban sa mga arresting officers na hindi naman talaga drug offenders. Baka may atraso lang kaya iniligpit o ipinaligpit. Di nga ba maraming­ dating police assets na itinutumba na lamang kapag wala nang pakinabang o baka magpahamak pa sa mga pulis?

May mga ganyang reklamo mula sa mga naghihinagpis na kaanak ng biktima. Pero minsan, natural lamang na pumanig ang malalapit na kaanak ng mga napaslang kahit to­toong mga kriminal sila. Wika nga, blood is thicker than water.

Kaya upang malaman ang buong katotohanan, huwag katakutan ang pagsisiyasat ng ICC kung ang dating Pre­sidente ay buo ang paniniwalang ginawa lang ang kanyang tungkulin sa bansa. Sabi nga, ang mga umiilag sa siyasat ay malamang na may kasalanan.  

Sasabihin siguro ni Duterte at ng mga kapanalig niya na may sarili tayong mga tagapagsiyasat at justice system na dapat humawak nito. Hindi dapat makialam sa usapin ang mga dayuhan sa mga panloob na suliranin.

Pero nasaan na at ano na ang kinahinatnan nito? Wala, kaya mas mabuti kung papasok at magsisiyasat ang ICC.

Ayon sa survey ng OCTA, 55 porsyento ng taumbayan ay pumapabor sa imbestigasyon ng ICC. Ngunit mukhang kahit si President Bongbong ay tutol sa pagpasok ng ICC sa kaso.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with