^

PSN Opinyon

Utang na loob

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nag-usap kami sa comment section ng aking FB account ng kabaro kong mamamahayag na si Bert de Guzman hinggil sa pagiging maamong tupa ni Presidente Bongbong Marcos  kahit pa siya inaalipusta ng dati niyang kaalyado na si ex-president Duterte.

Nag-react siya sa kolum ko na may titulong “Sara, binato ng tinapay ni BBM.” Dahil sa kabila ng paglahok ni VP Sara sa mga anti-Marcos rally sa pangunguna ng kanyang tatay, minarapat pa ng Presidente na manatili itong Education Secretary.

Sabi ni Bert, malamang Ito’y dahil sa malaking utang na loob ng mga Marcos sa mga Duterte. Napakalaking bagay na matupad ang last will ni yumaong dating Presidente Ferdinand Marcos Sr. na sa Libingan ng mga Bayani siya ihimlay. Ito ay natupad dahil kay dating Presidente Duterte nang ito’y nasa puwesto pa.

Iyan din marahil ang dahilan kung bakit tumututol si Marcos na makipagtulungan sa International Criminal Court  (ICC) kaugnay ng kasong crime against humanity laban kay Duterte.

Tama si Bert. Kilala ko ang mga Marcos sa katangian ng pagtanaw ng utang na loob. Maraming matataas na opisyal ang hinirang ng matandang Marcos dahil tumatanaw siya ng utang na loob.  Pero sa ganang akin, ang pagtanaw ng debt of gratitude ay may hangganan.

Dapat kapakanan ng bayan ang dapat mauna lalo na sa usapin ng pananakop ng China sa exclusive economic zone natin sa West Philippine Sea na halatang suportado ni Duterte.

Hindi puwedeng kahit anong panlalait na gawin sa kanya ni Duterte ay lagi siyang susukut-sukot.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with