^

PSN Opinyon

Mga pagkain na nagdudulot ng lakas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kapag gusto mong mag-ehersisyo o magtrabaho nang mabigat, kailangan mo ng sapat na lakas. Makukuha natin ito sa pamamagitan ng tamang pagkain.

Narito ang mga pagkain na magbibigay ng lakas.

1. Saging – Napakaganda ng saging sa mga nag-eehersisyo dahil mayroon itong taglay na carbohydrates, vitamin B at potassium. Ang potassium ay kailangan sa normal na pagtibok ng puso at paggalaw ng masels. Masdan n’yo ang mga tennis players na palaging kumakain ng saging.

2. Spaghetti – Nagbibigay ng lakas ang spaghetti dahil sa taglay nitong carbohydrates. Sa mga diabetic, mas mainam ang spaghetti kaysa sa kanin, dahil mas hindi tataas ang iyong asukal sa dugo.

3. Gatas – Ang gatas ay isang kumpletong pagkain dahil mayroon itong carbohydrates, protina at fats. May vitamin B pa ito na nagbibigay ng lakas. Piliin lamang ang low-fat milk para hindi tumaba.

4. Chocolate bar – Para sa kabataan, puwedeng kumain ng tsokolate dahil mayroon itong asukal, gatas at cocoa. Maituturing itong energy bar. Pero limitahan lang ang kakainin sa isang maliit na hiwa at baka ikaw ay tumaba.

5. Pakwan – Ang pakwan ay napakabisang natural energy drinks. Ang pakwan ay may 92% alkaline water na mabuti sa katawan. Punung-puno din ang pakwan ng vitamin B, potassium at electrolytes na kailangan ng taong laging pinapawisan. Maganda rin ang pakwan bilang panlaban sa heat stroke at init ng panahon.

6. Buko – Ang sabaw ng buko ay mayroong maraming electrolytes na maihahambing na sa suwero na ginagamit ng doktor. Ang laman ng buko ay may carbohydrates na nagpapalakas at nakabubusog din.

7. Nilagang itlog – Ang itlog ay siksik sa protina, vitamin B at vitamin D. May sangkap pa itong choline na kailangan ng ating utak. Limitahan lang ang pagkain sa 1 o 2 itlog sa maghapon.

8. Nilagang mani – Ang mani ay punong-puno rin ng protina, minerals at good fats na nagbibigay ng lakas. Mas masustansya ang nilagang mani kaysa sa pritong mani dahil wala itong mantika at mababa sa asin.

9.Dagdag payo para lumakas: Kumain ng mas madalas pero katamtaman lamang. Ito’y para makakuha tayo ng tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya mula sa pagkain. Sa umaga, kumain din ng masustansyang almusal para may lakas tayo.

10.Paalala: Huwag sosobrahan ang pagkain ng mga nabanggit dahil puwede tayong tumaba. Tandaan lamang na kapag mayroon tayong kinain, ay sasabayan ng ehersisyo para matunaw ito.

* * *

Monggo hindi bawal sa arthritis

Masustansya, masarap, at mura ang munggo. Mali ang paniniwala na masama ito sa arthritis. Sa katunayan, maraming itong benepisyo sa puso, utak at katawan.

Ilang sa mga benepisyo ng munggo ay:

1. Bagay ang monggo sa lahat ng tao dahil napakaraming bitamina at mineral tulad ng vitamin A, vitamin K, vitamin B1 o Thiamine, B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Trytophan, B5 o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o Folate o Folic Acid; mga mineral tulad ng copper, iron, manganese, zinc, phosporus, magnesium, potassium, calcium at sodium.

2. Bagay ang monggo sa lumalaking bata dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.

3. Merong anti-oxidants laban sa pagtanda at panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay pang-neutralize ng free radicals laban sa kanser at Alzheimers’ disease.

4. Ang laman na purine ng monggo ay katamtaman (moderate) lamang kaya pwede kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid ay hinay hinay lang pagkain, hindi po bawal. Ang bawal sa merong gout ay yung mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato, balunan o yung nasa bopis.

5. Mayroong isoflavones na katulad ng hormone na estrogen ng babae na kailangan para sa pre-menstrual syndrome, hot flushes at insomnia.

6. May taglay na calcium at phosphorus para sa buto.

7. Maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa munggo ay laban sa bad cholesterol.

8. Inirerekomenda ito ng American Diabetes Association dahil mababa ito sa Glycemic Index kaya puwedeng kainin ng may diabetes.

9. Isama rin ang munggo sa mga talbos ng ampalaya o bunga, talbos ng malunggay, sili, spinach, alugbati, kangkong, sitaw, kalabasa at talong. Siguradong malusog at malakas kayo.

SAGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with