^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagguho ng bundok sa Davao de Oro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagguho ng bundok sa Davao de Oro

Walang tigil ang pag-ulan sa Davao de Oro dahil sa low pressure area. Bumaha sa mga bayan ng Monkayo at Pantukan. Ang pinakadelikadong nangyari ay ang pagguho ng bundok sa Monkayo na ikina­matay ng walo katao. Na-videohan ang pagguho ng bundok at sinagasaan ang mga kabahayan. Nakatutulig ang sigawan ng mga residente habang mabilis ang pagragasa ng lupa, putik at bato. Hindi malaman ng mga residente ang gagawin sa nangyaring landslides.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), ang apektadong pamilya dulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao at Caraga ay umabot na sa 529,583 katao.

Halos mag-iisang buwan na ang nararanasang pag-ulan at pagguho ng lupa sa bundok sa Davao de Oro, partikular sa Monkayo. Noong Enero 18, nagkaroon ng landslides sa Mt. Diwata at 15 ang namatay. Pawang mga nakatira sa gilid ng bundok ang mga biktima. Pina­­niniwalaang ang walang tigil na pag-ulan ang naging­ dahilan kaya nagkakaroon ng pagguho ng lupa. Ma­­s­yado nang maraming tubig ang naipon sa mga bundok kaya lumambot ang lupa at inagos.

Ang Mt. Diwata ay isa sa mga bundok na pinagku­kunan ng ginto kaya maraming gold panners na nag-ooperate sa lugar. Binansagang “gold mountain” ang lugar makaraang madiskubre ang ginto noong 1983. Mula noon, maraming pagguho o landslides ang naganap sa mga bundok doon.

Sa kabila na marami nang trahedya nang pagguho ang nangyari sa nasabing lugar, patuloy pa rin ang pani­nirahan ng mga tao sa gilid ng mga bundok. Pina­payagan pa rin sila ng mga lokal na opisyal sa kabila na mapanganib sa panahon ng tag-ulan na malambot ang lupa. Paulit-ulit ang trahedya pero walang aral na natututuhan ang mamamayan at local government officials (LGUs). Nagkakaroon lamang nang paghihig­pit­ kapag mayroon nang casualties pero makalipas lamang ang isa o dalawang buwan, balik na naman sa paninirahan sa mga tabing bundok ang mga tao.

Mauulit pa ang mga nangyari sa Davao de Oro hang­ga’t walang batas na nagbabawal sa mga lugar na po­sibleng gumuho ang lupa sa panahon ng tag-ulan. Noon, nagkaroon na ng panukalang ipagbawal ang pag­tira sa mga gilid ng bundok, pampang ng ilog, sapa at mga estero pero ningas kugon lang ang lahat. Kapag may nangyari nang trahedya saka lamang magpapanukala ang mga mambabatas at maraming sasakay sa isyu. Pagkaraan ng trahedya, tahimik na ang mga magagaling na mambabatas. Gigising uli sila kapag may nangyaring trahedya at marami nang namamatay. Mag­papakitang gilas ang mga ningas kugon.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with