^

PSN Opinyon

Pangisdaan sa Panatag idulog sa arbitral court

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LITAW sa dagat maski hightide ang Panatag (Scarborough) Shoal, na 123 milya mula Zambales. Nasa loob ito ng 200-milya exclusive economic zone ng Pilipinas.

Batay sa UN Convention on the Law of the Sea, teritoryo ito ng Pilipinas. Mayroong 12-milyang teritoryong dagat. Mula 1734 nasa mga mapa na ng Pilipinas ang Panatag, at wala sa anumang mapa ng China. Pero ilegal na inagaw ito ng China nu’ng 2012.

Naghabla ang Pilipinas sa International Court of Arbi­tration. Hindi dinidinig ng ICA ang usaping teritoryo; tung­kol sa UNCLOS lang. International Court of Justice ang ma­aring humusga sa kasong teritoryo.

Pinasya ng ICA na ang Panatag ay tradisyunal na pangisdaan ng mga Pilipino, Vietnamese at Chinese. Ibig sabihin, maski teritoryo ito ng Pilipinas, maaring mangisda dito ang dalawang lahi. Bago ito agawin ng China, nagpa­palitan dito ang tatlong lahi ng mga huling pagkaing dagat, sigarilyo at de-latang karne.

Dahil tradisyunal na pangisdaan ang Panatag, hindi dapat harangin ng China Coast Guard ang bunganga pa­pasok ng lagoon. Hayaan dapat makapangisda ang Pilipino at Vietnamese.

May solusyon sa pambubusabos ng China, ani dating Supreme Court Justice Antonio Carpio. Magkasamang idulog daw ng Vietnam at Pilipinas sa ICA ang usaping pangisdaan. Hingin daw sa ICA na itakda ku’ng kailan ma­aring mangisda, anong pagkaing dagat ang maaring hulihin, at tig-ilang tonelada kada lahi. Pati pagpapatupad ng mga limitasyon at quota ay maaring ipapasya.

Paano kung hindi sumunod ang China? Ilantad sa mundo ang asal niya, ani Carpio. Iulat sa UN General Assembly. Ipa­kita na hindi sumusunod ang China sa batas pandaigdig.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SCARBOROUGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with