^

PSN Opinyon

Carpal tunnel syndrome

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Arpal tunnel syndrome ang tawag kung ang daluyan ng nerve (ugat) ay nabarahan o namaga, naiipit at nakaaapekto sa pakiramdam at paggalaw ng kamay. Kung ito ay hindi ga­gamutin, posibleng permanenteng masira ang nerve at muscle.

Ang mga factors sa pagkakaroon ng carpal tunnel syndrome ay ang mga mabibigat na trabaho dahil sa pressure sa ating palad, at ang mga paulit-ulit na pagbubuhat ng mabi­bigat at matinding pagkilos ng kamay.

Mga sintomas:

1. Tingling o pamamanhid ng hinlalaki, hintuturo, gitnang daliri, palasingsingan (hindi kasama ang maliit na daliri). Ang ganitong pakiramdam ay nararanasan sa gabi at pag-gising. Gayundin habang nagmamaneho, may hawak na telepono o dyaryo.

2. Pakiramdam na parang nanghihina ang mga kamay kaya may pagkakataon na nabibitawan ang hawak.

Tips sa carpal tunnel syndrome:

1. Ipahinga ang kamay. Sa bawat oras ng trabaho, mag­pahinga ng kahit 5 minuto, dahan-dahang i-stretch ang palad at kamay.

2. Baguhin ang iyong mga gawain - Mas mabuti kung baguhin o ibahin ang mga gawain kung ito ay posible.

3. Ideretso ang kamay. Iwasang baluktutin ang palad ng pataas o pababa. I-relax o wag masyadong higpitan ang pag­hawak. Iwasan humawak ng mahigpit habang nagma­maneho, nagbibisikleta at nagsusulat.

4. Lagyan ng mainit ang kamay (hot compress). Puwede din magsuot ng gloves para mapanitiling mainit ang kamay at palad.

5. Gumamit ng wrist splint sa gabi para deretso ang porma ng kamay. Ang wrist splint ay nakatutulong mabawasan ang sakit o pamamanhid ng palad at kamay. Ang splint ay dapat na hindi sobrang sikip. Ayaw natin naka-baluktot ang kamay dahil naiipit ang nerve.

6. Kung ang sintomas ay lumalala, magpatingin sa doktor. Ang splints, therapy o injection ay puwedeng irekomenda ng doktor. Kung nawawalan na ng lakas ang kamay, puwede itong operahan kung kinakailangan.

UGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with