^

PSN Opinyon

Varicose veins

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming may problema sa malalaking ugat sa paa at kamay na tinatawag na varicose veins. Hindi magandang tingnan ang mga ugat na ito. Ayon sa pag-aaral 17 percent ng pasyente ay may varicose veins. Ang pagkakaroon nito ay namana sa mga magulang.

Narito ang tips para maiwasan ang varicose veins:

1. Itaas ang kamay o paa—Ang sanhi ng varicose veins ay ang pagluwag ng ating mga ugat. Kapag laging nakababa ang ating paa, mag-iipon dito ang dugo at mamamaga ang ating ugat. Kaya umupo at ipatong ang paa sa isang silya o kutson. Ipatong din ang kamay sa isang unan at itaas ng ilang ulit sa isang araw.

2. Magsuot ng support stockings o masikip na medyas —Mabibili ito sa mga SM department store o sa medikal na tindahan. Ayon kay Dr. Katty Go, ang support stockings o compression stockings ang pinakamabisang lunas sa varicose veins. Gamitin ito palagi.

3. Huwag tumayo ng ilang oras—Kung ang trabaho mo ay security guard, pulis o saleslady, puwede kang magka-varicose veins. Galaw-galawin ang iyong paa habang nakatayo. Parang nag-e-exercise ka para umakyat ang dugo mula sa paa pabalik sa puso. Kung puwedeng umupo ay mas mainam sana. Sundin ang naunang payo —mag-stockings o magmedyas nang masikip!

4. Itaas ang paa habang natutulog—Ipatong ang paa sa isang unan para mabawasan ang pag-iipon ng dugo rito.

5. Huwag magsuot ng masikip na pantalon—Kapag masikip ang pants o maong, puwedeng maipit ang ugat sa paa. Siguraduhing katamtaman lang ang sikip para makadaloy ang dugo sa mga ugat.

6. Kumain ng mga gulay—Mataas sa fiber ang patola, pechay, okra, at kangkong.

7. Kumain ng mga prutas—Ang papaya at pinya ay mataas din sa fiber kaya magiging regular ang pagdumi. Kapag malambot ang dumi, makaiiwas sa varicose veins at sa almoranas din.

VARICOSE VEINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with