^

PSN Opinyon

Taiwan kinolonya rin ng Kastila

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LABING-ANIM na taon na kinolonya ng Kastila ang Taiwan­, 1626-1642. Mula Maynila tinatag nila ang capital na San Salvador sa hilaga ng isla. Naagaw ito ng mga Dutch. Maraming bakbakan at dramang naganap. Nakarsel pa ang Kastilang governor-general sa Maynila nang matalo.

Portuguese na may hawak sa Moluccas ang mga unang­ Europeans na sumakop sa Taiwan, 1544. Binansagan nila itong Formosa, “Maganda”, dahil sa tanawin mula sa dagat. Isang taon nauna, 1543, pinangalanang Islas Filipinas ni Ruy Lopez de Villalobos ang kapuluang natunton ni Ferdinand Magellan nu’ng 1521.

Nagsimula ang 80-Taong Digmaan ng Dutch at Kastila nu’ng 1566. Pinalayas ng rebelyong Dutch ang kolonya­listang Haring Felipe II ng España. Kasama ang England at France, ni-raid ng Dutch ang ilang kolonya ng España at Portugal sa malayong dagat. Naagaw nila sa Portuguese ang ngayo’y Indonesia at ang kuta sa timog ng For­mosa. Paulit-ulit binulabog ang Manila Bay, pati mga sampan at junk ng mangangalakal na Hapon at Chinese.

Nu’ng 1641 nilusob ng Dutch ang kutang Santissima Trinidad ng Kastila sa hilagang San Salvador. Sumaklolo ang mga Kastila mula iba pang kuta. Umatras ang mga natalong Dutch sa Zeelandia sa timog.

Sa Maynila, nagkamali si Kastilang Governor General Sebastian Hurtado de Corcuera. Pinabalik niya sa Pilipinas karamihan ng mga sundalo niya para supilin si Maguin­danao Sultan Kudarat. Sumugod muli ang Dutch sa San­tissima Trinidad at binihag ang mga konting Kastila, taga-Formosa at mga Kapampangan.

Nagalit ang viceroy ng Mexico, nilitis si Corcuera, at iki­nulong nang limang taon sa Maynila. (Nauso noon ang komedyang moro-moro.)

Hinawakan ng Dutch ang buong Formosa. Sinimulan­ ng England at France paghatian ang Indochina at nga­yo’y Malaysia. Pinag-awayan ng España at Portugal ang mga isla sa Pacific.

DUTCH

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with