^

PSN Opinyon

Puwede nang lumangoy sa Paoay Lake

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NOONG una’y isinantabi ng Ilocos Norte provincial government ang Escherichia coli (E. coli) bacteria contamination ng Paoay Lake national park sa Bgy. Suba, Paoay, Ilocos Norte. Pinilit buksan ang waterpark sa ngalan ng turismo.

Ngunit inamin din sa huli na delikado ang tubig sa lawa. Nagsagawa ng water treatment, gamit ang isang toneladang Vigormin upang mapigilan ang e-coli contamination, mawala ang masamang amoy at maitim na tubig.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology-Ilocos Norte, ipinamahagi ang Vigormin sa mga negosyo sa paligid ng lawa, kasama ang Malacañang of the North at iba pa upang tumulong sa pagpapabuti ng lawa.

Ayon sa laboratory analysis ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau Region I (DENR-EMBRI), maganda na ang kalidad ng lawa para languyan at iba pang water activities. Ito rin ang sinabi ng Ilocos Norte Tourism Office, pasado na sa water quality tests ng DENR ang 8.7 pH level sa Paoay Lake.

Mabuti’t hindi nagdulot ng kapahamakan ang kalidad ng tubig sa lawa sa mga naging parukyano. Ngunit pag nagkataon, ang ngayo’y tinaguriang “kauna-unahang floating playground sa Norte” ang nagiging isa sa mga sagka sa pagbangon ng turismo sa probinsya.

Kinakailangang unahin ang kaligtasan ng mga mamamayan kaysa ang pagkakakitaan.

***

Para sa suhestiyon: [email protected]

CONTAMINATION

E-COLI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with