^

PSN Opinyon

Gout at mataas ang uric acid

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming paiba-ibang payo sa gout at tamang pagkain. Kaya minabuti kong ilahad ang pahayag ng Mayo Clinic sa American tungkol sa gout.

Ang gout ay isang kumplikadong sakit sa buto, na may kasamang biglaan at matinding pag-atake ng sakit, pamu­mula at paninigas ng kasu-kasuan ng katawan. Naaapektuhan nito ang paa, sakong, tuhod, kamay at kamao, ngunit kadalasan, ang hinlalaki sa paa ang masyadong apektado.

Ang gout ay nabubuo kapag mataas ang lebel ng uric acid sa dugo. Kaya ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng crystals (parang buhangin) na nabubuo sa kasu-kasuan o palibot ng tissue na dahilan ng pananakit at pamamaga.

Ang matinding pag-atake ng gout ay maaaring makapagpagising sa kalagitnaan ng pagtulog na para bang sinu­sunog ang hinlalaki. Ang apektadong joint ay mainit, namamaga at naninigas.

Ang mga dahilan kaya nagkakaroon ng gout ay ang labis­ na katabaan, sobrang pag-inom ng alak, high blood pressure, mataas na kolesterol at diabetes, at kung may lahi sa pamilya.

Ang gout ay nagagamot, at may paraan para mabawasan ang panganib na dulot nito.

Nirerekomenda ng American Dietitic Association ang mga sumusunod kung umatake ang gout:

1. Uminom ng 8-16 tasa ng likido bawat araw. Mas ma­inam kung tubig, sopas at hindi matamis na inumin.

2. Iwasan ang pag-inom ng alak.

3. Kumain ng katamtamang dami ng protina, mas mainam kung galing sa gatas (low-fat milk), tofu o tokwa, at itlog. Hindi bawal ang monggo at tokwa sa gout.

4. Bawasan ang pagkain ng karne, isda at manok sa apat hanggang anim na ounces lamang. Ang mga pagkaing ito na mataas sa protina ang nagpapataas ng uric acid sa dugo.

5. Panatilihin ang tamang timbang.

6. Kumunsulta sa doktor kung nilalagnat at ang kasu-kasuan ay mainit at namamaga. Baka senyales ito ng impeksiyon.

URIC ACID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with