Namnamin natin ang 10 sipi na ito
Pinag-isip ako ng 10 mga pangungusap na ito online. Hindi ko alam kung sino ang umakda. Namnamin natin:
(1) Ang dasal ay hindi spare tire na nilalabas kung may trobol, kundi manibela sa paggiya ng tamang landas sa buhay.
(2) Bakit napakalaki ng windshield ng kotse pero napakaliit ng rear-view mirror? Kasi ang ating nakalipas ay hindi kasing halaga ng ating hinaharap.
(3) Parang pagkakaibigan ang libro. Ilang sandali lang para sunugin, pero taon para sulatin.
(4) Panandalian lang lahat sa buhay. Namnamin kung maganda ang takbo, kasi hindi ‘yon magtatagal. Kung bagyuhin, ‘wag maghinagpis, lilipas din ‘yon.
(5) Ginto ang mga matagal nang kaibigan, diamante ang mga bago. Kapag nagka-diamante, huwag kalimutan ang ginto. Parating kailangan ng gintong setting ang diamante.
(6) Kalimitan kapag tayo’y naguguluhan at akala ay katapusan na, bumubulong ang Diyos, “ituloy mo lang, liko lang ito.”
(7) Kapag nilutas ng Diyos ang iyong mga suliranin, may tiwala ka sa Kanyang kakayahan. Kapag hindi Niya nilutas ang iyong suliranin, may tiwala Siya sa kakayahan mo.
(8) Inusisa ng bulag ang Diyos: “May lalala pa ba sa pagkawala ng paningin?” Sinagot siya: “oo, kung mawalan ka ng pananaw.”
(9) Kapag pinagdasal mo ang iba, nakikinig ang Diyos at binabasbasan sila; at tandaan na kung ikaw ay ligtas at maginhawa, ‘yon ay dahil ipinagdasal ka ng iba.
(10) Hindi naaalis ng pag-aalala ang mga suliranin sa bukas, inaalis nu’n ang katiwasayan ng ngayon.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest