Si PCSO Mel Robles at ang ambulansiya
IKINATUTUWA ko at super bilis umaksyon ni PCSO General Manager Mel Robles dahil mistulang kidlat ito sa pagbibigay ng ambulansiya upang magamit ng madlang people sa Abra na tinamaan ng magnitude 7.0 the other week. Sabi nga, mabuhay ka Boss Mel!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinigay ni PCSO bossing Mel A. Robles, ang susi ng isang ambulansya kay Danglas Mayor Esther Bernos sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Danglas, Abra covered court.
Tiniyak ni Robles kina Mayor Esther at JB Bernos ng mga bayan ng Danglas at La Paz, na ang PCSO ay nakatuon sa pagpapatupad ng mga direktiba ng SONA ni PBBM upang gawing mas simple at mas mabilis ang proseso ng pagbibigay ng tulong. Ang desisyon at paghahatid ng ambulansya ay ginawa wala pang 24 oras mula nang bumisita si PBBM sa nasalanta ng lindol sa Abra.
* * *
DOJ Secretary Boying Remulla, your honor, bow
Nagpulong ang mga korap Immigration people sa NAIA at sa iba pang panig ng Philippines my Philippines na may mga dumarating na Vietnamese at Indian nationals sa mga international airport nila. Lingid sa kaalaman nang marami sa labas ng Bureau of Immigration, mayroong bagong syndicated human trafficking scheme na kinasasangkutan ng mga dayuhang nasyonal na nangyayari diumano sa pangunahing paliparan?
Ang mga dayuhang ito ay pinahihintulutang pumasok sa Philippines my Philippines nang maramihan na nagpapanggap na mga turista ngunit talagang nagtatrabaho rito, mas madalas na hindi sila ilegal. Sabi nga, ang mga Indian at Vietnamese ay mga kliyente ng scheme. Medyo mas maliit ang dami nito kumpara sa naunang racket at pinahiya ang BI noong 2020.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, upang maiwasang bumalik ang katiwalian at mapangalagaan ang ating pambansang seguridad para sa posibleng pagpasok ng mga dayuhang pugante, sexual predators, economic saboteurs o mas masahol at mga miyembro ng dayuhang terorista dahil sa maluwag na pagpapatupad ng mga pormalidad sa imigrasyon kapalit ng monetary consideration.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagong syndicated human trafficking scheme ay gumagamit din ng mas kaunti at piniling korap superbisyon at mga kamoteng opisyal ng imigrasyon upang matiyak ang mas mahusay na salaping partihan para sa bawat miyembro upang maiwasan ang sama ng loob sa mga foot soldiers.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukod sa NAIA may mga ilang international airports ang ginagamit na arrival points para sa mga Indian at Vietnamese nationals tulad ng Clark International Airport, Mactan-Cebu International Airport at Davao International Airport. Paging DOJ Secretary Boying Remulla, your honor! Abangan.
- Latest