Mga pagkain para labanan ang hika
Ang pamamaga ang pinaka-pangunahing dahilan ng sintomas ng hika. Kaya naman ang mga pagkain na nilalabanan ang pamamaga ang natural na gamot sa namumuong sipon o plema. Ang pagkuha nang maraming nutrients mula sa pagkain ay nauugnay sa pagpapababa ng panganib sa hika.
1. Sibuyas—Ang regular na pagkain ng sibuyas ay makatutulong na makaranas ng madalang na pag-atake ng hika. Dahil ang sibuyas ay naglalaman ng anti-oxidant na quercetin, na nilalabanan ang pamamaga.
2. Mansanas — Ang pagkain ng sapat na mansanas ay makatutulong upang makaiwas sa atake ng hika. Katulad ng sibuyas, ang mansanas ay mayroon ding quercetin. Kainin ang balat ng mansanas dahil dito nanggagaling ang quercetin.
3. Strawberry — Ang strawberry ay mayaman din sa flavonoids na mainam din sa hika.
4. Kape — Ang isa o dalawang tasang matapang na kape, ay nakatutulong ng bahagya dahil ito ay may theophylline, isang gamot na nagpapaluwag sa daanan ng paghinga.
5. Green tea — Katulad ng mansanas at sibuyas, ang green tea ay nagtataglay din ng quercetin at iba pang flavonoids. Subukang uminom ng isa o dalawang tasa kada araw.
6. Matatabang isda — Ang mga isda na tulad ng tawilis, tamban, tuna, hasa-hasa, sardinas, dilis, salmon at mackerel ay may omega-3 fatty acids para labanan ang pamamaga ng katawan, kabilang na ang daanan ng hangin.
7. Calamansi juice, red bell pepper, repolyo at kamatis – Ang mga pagkaing ito mayaman sa Vitamin C, Vitamin E at Selenium na mainam para labanan ang hika.
- Latest