^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Proteksiyon sa mga mamamahayag

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Proteksiyon sa mga mamamahayag

HINDI nagkaroon ng proteksiyon ang mga mamamahayag sa mga nakaraang administrasyon. Maski sa panunungkulan ni President Duterte na magtatapos na ang termino sa Hunyo 30, hindi naproteksiyunan ang ang mga miyembro ng media at marami ang napatay. Bagama’t itinatag sa panahon ni Duterte ang Presiden­tial Task Force on Media Security (PTFoMs), hindi na­ibigay sa mga mamamahayag ang seguridad. Sa panahon ng panunungkulan ni Duterte, 23 mamamahayag ang pinatay at lahat ito ay hindi pa nalulutas hanggang sa kasalukuyan.

Pinakahuling biktima ay ang radio comentator na si Jaynard Angeles ng Tacurong City, Sultan Kudarat na binaril ng riding-in-tandem noong nakaraang Enero­ 2022. Nasa isang car repair shop si Angeles nang barilin. Walang anumang tumakas ang mga suspect. Isinugod­ sa ospital si Angeles subalit patay na ito nang dumating­. Hanggang ngayon, blanko ang pulisya sa pagpatay. Ang kaso ni Angeles ay daragdag lamang sa mga dati nang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag na hindi na nabigyan ng hustisya.

Ang bagong administrasyon ni president-elect Fer­dinand Marcos Jr. ay naglalatag ng mga bagong programa para maproteksiyunan at mabigyan ng benepisyo­ ang mga miyembro ng media.

Ayon kay Trixie Cruz-Angeles, itinalagang press sec­re­tary ni Marcos, nagsisimula nang bumuo ng mga bagong polisiya ang bagong administrasyon na magbibigay proteksiyon at mga benepisyo sa mga mamamahayag. Sinabi pa ni Angeles na layunin ng bagong polisiya ang kaligtasan ng mga mamamahayag. Itutuloy din umano ng Marcos administration ang PTFoMs na itinatag ng Duterte administration.

Kung magkakaroon ng katuparan ang bagong programa ng bagong administrasyon, malaking tulong ito sa mga mamamahayag. Magkakaroon na ng proteksiyon mula sa pamahalaan at posibleng mabawasan na ang pag-utang sa buhay ng mga mamamahayag.

Sa index report ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong nakaraang taon, pampito ang Pilipinas sa pinaka-worst na bansa para sa mga mamamahayag. Una ang Somalia, Syria, Iraq, South Sudan, Aghanistan, Mexico, Brazil, Pakistan, Bangladesh, Russia at India.

Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga ma­ma­mahayag ay naganap noong Nob. 23, 2009 sa Ampa­tuan, Maguindanao kung saan 30 mamamahayag ang pinatay. Nahatulan na at nakakulong ang mga Ampatuan subalit marami pang nakalalaya.

Proteksiyunan ang mga mamamahayag at igawad ang hustisya sa mga walang awang pinatay.

PRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with