^

PSN Opinyon

Ano ang post-traumatic stress disorder?  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG post-traumatic stress disorder (PTSD) ay nangyayari pagkatapos makaranas ng sobrang stress, takot at pangamba sa dinanas na sakuna, delubyo, giyera, holdap, aksidente, rape at pananakit.

Karamihan sa mga sintomas nito ay nagsisimula sa pagitan ng dalawang linggo hanggang tatlong buwan pagkatapos ng pangyayari. Walang laboratory test na makapagsasabi na may post-traumatic stress disorder ang tao.

Ngunit kung may makitang ilang sintomas tulad ng sumusunod, posible nga na mayroon siya nito.

Pangkalahatang sintomas:

1. Ang sintomas ay tumatagal ng 1 buwan, at hirap maki­salamuha sa tao.

2. Muling naiisip ang ganoong pangyayari

3. Nakararanas ng bangungot, flashback o pagbabalik tanaw sa nangyari.

4. Minsan naiisip na ito ay nangyayari muli sa kanya sa oras na iyon. Ang epekto nito ay mabilis na tibok ng puso at paghahabol ng hininga.

Dagdag na sintomas:

1. Umiiwas na maramdaman o mapag-usapan ang pangyayari.

2. Umiiwas sa lugar, tao o gawain na konektado sa insidente.

3. Pinipilit kalimutan ang masamang nangyari. (Selective amnesia about the traumatic event.)

4. Nababawasan ang interes sa pang-araw-araw na gawain at pakikisalamuha sa tao.

5. Nawawalan ng gana para isipin ang kinabukasan.

6. Pagkakaroon ng abnormal sa personalidad kumpara noong hindi pa nasasangkot sa insidente.

7. Insomnia o hirap makatulog, iritable, magagalitin, wala sa konsentrasyon at matatakutin.

Paano gagamutin:

1. Kinakailangan ng psychological counselling sa lalong madaling panahon. Kinakailangan na ang tagapayo ay may kasanayan at kinakailangan nito ng follow-up sa biktima na hindi bababa sa anim na buwan.

2. Inirerekomenda ang pagpapatingin sa isang psychiatrist kung kinakailangan at kung hindi bumuti ang lagay ng pasyente sa anim na buwang gamutan.

POST-TRAUMATIC STRESS DISORDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with