^

PSN Opinyon

Tips sa baradong ilong at may sipon  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAINIS ang may baradong ilong. Hirap kang humi­nga at matulog. Tumutulo ang iyong sipon at nagbabago ang iyong boses. Ang kadahilanan ng baradong ilong ay ang pamamaga ng ugat sa iyong sinuses (sa loob ng ilong). Naiirita ang mga ugat dahil sa mikrobyo o allergy.

Heto ang aking payo para malunasan ito:

1. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Puwede ring uminom ng sopas, tsa at juices.

2. Maligo sa shower gamit ang mainit na tubig. Isara ang pinto sa banyo para makulob ang usok na manggaga­ling sa mainit na shower (parang sauna). Ang steam o usok ay may water vapor na nagpapalabnaw ng plema.

3. Subukan ang steam inhalation. Magpakulo ng 2 litrong tubig (8 baso) sa isang kaldero. Kapag kumulo na, pala­mi­gin ng 10 minuto at isalin ang tubig sa isang plastic na palanggana. Ilapit ang iyong mukha ng 6 inches sa mainit na tubig. Itaklob ang tuwalya sa ulo habang nakatapat sa palanggana. Ito’y para makulob ang init at malanghap mo ang usok na nanggagaling sa tubig. Puwede kang mag-steam inhalation ng 3 o 4 beses sa maghapon.

4. May tulong ang saline spray na nabibili sa botika (mga P100 ang halaga). Isa itong botelya na ipinapasok sa ilong at ini-spray. Sa ganitong paraan, mapapalabnaw at matutunaw ang plema sa ilong.

5. Gumamit ng warm compress. Ilubog ang tuwalya sa mainit na tubig at pigain ito. Ilagay ang mainit na tuwalya sa bandang ilong at noo. Ang warm compress ay nakababawas ng kirot at pamamaga ng sinus.

6. May mga nabibiling gamot para sa sipon (decongestants) pero hindi ito puwedeng inumin nang pang-mata­galan. Minsan, nakakaapekto rin itong mga gamot sa iyong blood pressure.

7. Kung may allergy, umiwas sa mga bagay na nakaka-allergy sa iyo. Linisin ang kuwarto at linisin ang mga gamit, kama, sofa at rug. Labhan maigi ang unan, kumot, tuwalya at damit. Ang mga balahibo mula sa alagang hayop at stuffed toys ay nakaka-allergy din. Kung matindi ang allergy, puwedeng uminom ng gamot sa allergy ng paminsan-minsan.

SIPON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with