^

PSN Opinyon

Gouty arthritis at mataas ang uric acid  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG gout ay pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, kamay at tuhod. Sobrang sakit ang gout.

Para malaman kung gouty arthritis nga ang sakit, kaila­ngang suriin ang uric acid sa isang blood test. Kapag mataas ito, gout ang dahilan ng iyong arthritis. Iba kasi ang gamutan ng gout sa ordinaryong arthritis lamang.

Nakukuha ang gout sa dalawang bagay: Una, nasa lahi o namana sa magulang at ikalawa, sa pagkain ng mga pagkaing mataas sa uric acid.

Ano ang pagkaing dapat iwasan ng taong may gout?

Sa mga gulay, iwasan ang pagkain ng asparagus, cauli­flower, mushroom at spinach. Mataas ito sa uric acid. Okey lang ang kanin, pero dapat bawasan ang oatmeal at whole grain cereals.

Pagdating naman sa ulam, umiwas sa mga lamanloob (bituka, atay, utak, puso at kidneys), sisig, beans, sardines­, tunsoy, tamban, dilis, bagoong, tahong at lahat ng klaseng mani.

Ang gravy, patis, at lechon liver sauce ay mataas din sa uric acid. At para sa mga alcoholic, umiwas sa pag-inom ng beer at alak kung ayaw mong atakehin ng gout.

Ano na lang ba ang puwede kainin?

Puwede naman ang lahat ng gulay puwera sa mga nabanggit ko na. Ang gatas, keso at paminsan-minsan na karne ay pinapayagan din. Ang coffee, tea, gelatin at lahat ng prutas ay hindi bawal sa gout.

Ano ang mga gamot sa gout?

Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo. Nagrereseta kami ng Allopurinol 100 mg o 300 mg tablet bawat araw depende sa taas ng iyong uric acid. Inumin ito araw-araw para hindi umatake ang gout. Kailangan po ito.

Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay kami ng Colchicine tablets, apat na beses sa maghapon.

Isang mahalagang tip lang po: Bawal ang Allopurinol tablets habang matindi ang atake ng gout. Inumin lang ang maintenance na Allopurinol kapag humupa na ang sakit pagkalipas ng dalawang araw.

Magpa-check-up sa inyong doktor.

 

GOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with