^

PSN Opinyon

Dalawa pa ring mundo

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa ibang parte ng mundo, nagbalik na ang buhay sa nor­ma­lidad. Kung ano man ang nakasanayan bago pumutok ang pandemya, ganoon na rin sa ngayon ang kanilang pang-araw araw na katotohanan.

Una na ang Amerika. Sa mga metropolitan areas at mayayamang Estado, muling binuksan ang ekonomiya. Niluwagan na nang husto ang COVID-19 protocols. Hindi na obligado ang masking. Halos full capacity na ang negosyo, tanggapan, sports stadium.

Hindi matawaran ang pagbulusok ng kumpiyansa na hatid ng ganitong lakas ng loob. Ang mitsa? Ang mala­wakang pagbakuna sa mahigit kalahati ng populasyon. Bitbit ang made in America nilang mga vaccine brand na Pfizer at Moderna, bumabandera talaga ang mga Kano. Bumabagsak ng mabilisan ang kanilang mga numero.

Hindi maitatwa na world leader pa rin ang Amerika pagdating sa mga tinamaan ng virus at maging sa mga nangamatay. At, ano pa man ang sabihin, walang kasigu­ruhan na itong bagong mga variant ng COVID ay hindi magiging sanhi ng panibagong “wave” o “surge” ng mga impeksyon.

Subalit ang kaibahan nila ay kaya nilang harapin ang mga mapeligrong desisyon. Kung ang ibang mga bansa, kagaya natin, ay nangangatog pa at nagpapaalipin sa kaba, sila naman ay ipinagmamalaki sa mundo ang anyo ng buhay kapag hindi ka natatakot. Ang Israel din na, ba­gama’t hindi kasing laki ng Amerika, mas malaking por­si­yento ng populasyon ang bakunado ay kakaunti na lamang kada linggo ang pumapanaw sa COVID-19. Puwede nang ma­nood ng sine at manood ng sporting event sa stadiums. Subalit, dala ng peligro ng bagong variant, maingat pa rin sila sa pasok ng mga dayuhan.

Makikitang lalo sa litratong ito ang layo ng mayayaman doon sa mga mahihirap. Lahat ng nabanggit ko ay sa Europa, US at mayayamang bansa lang nangyayari. Dito sa atin, gaya ng ibang developing countries, ay matagal pa bago maranasan ang ganoong luho. Pinangatawanan talaga ng pandemya ang sitwasyon na, kung tutuusin, tayo ay nakatira pa rin sa dalawang mundo.

vuukle comment

ESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with