Mga adik sa Metro, diyeta sa droga!
Nag-iiyakan sa ngayon ang mga adik sa Metro Manila at kalapit na lugar. Hindi sila nagdadalamhati dahil sa may masamang nangyari sa kanila o sa kanilang mga kamag-anak dahil sa COVID-19, kundi dahil nahihirapan silang maka-”score” ng droga sa kalye. Paano kasi mga kosa, nalambat ng mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang aabot sa 199 kilos ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P24 milyon sa magkasunod na operation sa Luzon ng nagdaang linggo kaya diyeta sa ngayon ang mga adik.
Sinabi ni Lee na mukhang in demand sa ngayon ang marijuana bilang alternatibo sa shabu na mukhang tinatago pa ng mga drug pushers dahil sa mahigpit nilang kampanya laban sa droga alinsunod sa kautusan ni President Digong. Iginiit ni Lee na nakaabang lang ang mga operatiba ng PDEG at handang sakmalin ang drug pushers kapag inilabas nila ang epektos sa kalye. Dipugaaaa! Hehehe!
Natutuwa naman si PNP chief Gen. Debold Sinas sa sunud-sunod na tagumpay ng kanyang tauhan kontra droga. Mismooooo!
Sinabi ni Sinas na inaresto ng mga tauhan niya sina Marlon Miranda, 34; Joey Palaeyan, 33; Freddie Letta, 35; Carl Andrei Maico, 22; Via Jean Ortiga, 19, at Lorraine Fulgencio, 23, sa isang drug sting sa San Francisco, Concepcion, Tarlac noong Peb. 18. Inaresto sina Miranda at Palaeyan matapos magbenta ng 25 kilos ng marijuana sa police poseur buyer. Nadamay lang sina Letta, Maico, Ortiga at Fulgencio dahil dumating sa lugar sakay ang isang Mitsubishi Montero para bumili ng droga.
Sobrang malas naman nitong apat na adik at nadamay pa sila, ‘no mga kosa? Nakumpiska kina Miranda at Palaeyan ang P150,000 boodle money, dalawang cellular phones, Toyota Altis (BTK 777) at 133 pang bricks ng marijuana, samantalang 100 rounds na bala naman ng 5.56 rifle sa apat na adik. Dipugaaaa! Magsama-sama na silang anim sa kulungan!
Makalipas ang tatlong oras, ang SOU 2 team ng PDEG naman sa pamumuno ni Lt. Col. Nestor Cusi ay nalambat sina Marcelo Tudlong Thomas at Keruben Winnie Banosan, sa isang drug sting sa National Highway, Bgy. Barucboc, Quezon, Isabela. Sinabi ni Lee na nakumpiska sa dalawang high value target ang 41 bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Siyempre, kinumpiska rin ang kanilang Nissan Urban (NAB 4566), five grams ng shabu at boodle money. Kung nakalusot sa Metro Manila ang mga marijuana, aba sana sagana sa supply ang mga adik, di ba Gen. Lee Sir? Abangan!
- Latest