^

PSN Opinyon

Ang totoo sa Glutathione

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY babaing nabalitang namatay pagkatapos magpa­iniksiyon ng Glutathione na may kasamang Vitamin C sa isang spa sa Maynila. Nawalan daw muna ng malay, at nang dalhin sa UST hospital ay nag-cardiac arrest, at namatay. 

May mga sinasabi ang ilang mga awtoridad mula sa DOH at FDA na ang Glutathione ay “masama sa liver at kidneys”. Mayroon pa akong nabasa na maaaring ito raw ang dahilan ng paghinto ng puso ng babaing namatay.

Hindi pa nalalaman ang konklusyon sa imbestigasyon ukol sa aktwal na dahilan ng pagkamatay ng nasabing Pinay na nagpaturok sa spa. Malinaw na pagpapaputi ang pakay ng babae. Ang Glutathione ay isang natural antioxidant na matatagpuan sa mga halaman, hayop at fungi, karaniwang ginagamit para sa pagpigil ng pagkamatay ng mga selyula ng katawan at ng mga organs sa katawan.

Kilalang nakakatulong sa kalusugan ng liver, kidneys at puso. Kumbaga, side effect lamang ng Glutathione ang pagputi ng balat. Ito ang natural na reaksiyon ng balat sa tuloy-tuloy na pag-inom o pag iniksiyon ng Gluta.

Sa aking pagkakaalam, at kahit sa pagsaliksik sa mga babasahin: ang Glutathione ay safe, ligtas inumin man o iturok. Sa katunayan, ang pinakamabisang paraan ng pagbigay ng Gluta sa katawan ay sa pagpasok nito sa ugat o sa tinatawag na IV.

Ang Gluta ay nakakatulong sa liver, kidneys at puso. Baliktad ang sinasabi ng iba sa mga balitang aking nabasa. Matagal na akong umiinom at nagpapaturok ng Gluta­thione kasama ng ibang bitaminang natural. Sa aking pagkakaalam, basta’t may doktor o nars na lisensiyado na tuturok, ito ay ligtas.

Ito ay ginagawa sa napakaraming mga wellness spa, mga klinika, kung minsan ay sa bahay pa nga. Kaya hindi ko alam ang tungkol sa mga pahayag na ito raw ay “bawal”. Pinapayagan lang daw ang pagturok ng Glutathione na may kasamang Vitamin C sa mga pasyenteng may kanser.

Tumawag ako sa isang respetado at beteranong wellness doctor. Isang tunay na internist na espesyalista sa mga natural na paraan sa pag aalaga ng katawan. Ayon sa kanya, hindi nga daw dapat binibigyan ng Glutathione ang may kanser. Ang Vitamin C ang pumapatay sa selyula ng kanser. Kung sasabayan ng Gluta baka maproteksiyunan pa raw nito ang tumor. Ayon din sa espesyalista, napakahusay ng Glutathione sa liver, kidneys, puso, at sa balat. Wala rin siyang nalalamang kaso, sa 30 taon na siya ay doktor, na taong may allergy sa Gluta. Kaya kailangang hintayin ang buong report mula sa imbestigasyon ng pagkamatay ng babaing nag-cardiac arrest pagkatapos turukan ng Glutathione.

Nagtataka lang ako kung bakit tila walang disiplina ang mga pahayag nang hindi muna sinasaliksik at inaalam ang mga facts o katotohanan. Bakit parang imbento na lang o opinyon na walang basehan ang ilang mga pahayag? Napakalaki ng naitutulong ng mga natural na suplemento ng ito sa kalusugan ng tao. Maipagkakait ang tulong na ito sa atin kung maniniwala basta basta sa mga walang habas na daldal.

Palagay ko lang: hintayin ang resulta ng imbestigasyon. Manaliksik. Magbasa. Nariyan ang napakaraming materyal mapag-aaralan. Kumunsulta sa espesyalista.

GLUTATHIONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->