^

PSN Opinyon

Lemon Law ng Pinas, epektibo o depektibo?

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko na mabilang ang mga reklamong dumating sa BITAG Action Center na hinggil sa lemon cars.

Kamalas-malasan, bumili ka ng pangarap mong brand new car pero hindi pa man nag-iinit ang iyong kamay sa manibela o ang iyong puwitan sa driver’s seat, pumugak-pugak na ang iyong tsikot. Ganito ang reklamo ng mga consumers na naka-engkuwentro ng lemon cars.

Sabi ng mga mambabatas na nasa likod ng Republic Act No. 10642 o ang Philippine Lemon Law, proteksiyon daw ito sa mga consumers laban sa mga switik o dorobong car dealers na nagbebenta ng mga depektibong sasakyan.

Lemon car ang tawag sa isang bagong sasakyan na nabili sa mga authorized o car dealers na depektibo. Kalimitang lumalabas ang problema sa sasakyan bunsod ng factory o manufacturer’s defect, 1 buwan o higit pa.

Sa Amerika, kapag napatunayang depektibo ang sasakyan, palit-agad ng unit ang solusyon. Pero dito sa Pinas, bibigyan ng hanggang 4 na beses na pagkakataon ang mga car manufacturer’s o dealers na ayusin o kumpunihin ang mga depektibong parte.

Nakakaloko ano, lalo na sa mga talagang suwitik. Sasadyaing patagalin ang paggawa hanggang sa mawala na ang service warranty.

Paliwanag sa BITAG ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na siyang chairman ng Committee on Trade, Commerce and Industry ng Senado, kapag natapos ang apat na beses na pagkakataon at hindi naayos ang sasakyan, kailangan nang palitan ng car manufacturer ng bago ang sasakyang depektibo.

Kesehodang pareho o ibang modelo ng sasakyan basta’t kapareho ng halaga. May kapangyarihan ang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) na ipatupad ito sa ilalim ng batas, wala nang korte-korte.

Kung iisipin, kailangan munang tiyagain ng isang consumer ang sama ng loob at sakit ng ulo ng may katagalan bago niya makuha ang hustisya. Kaya ang mga hinayupak na car dealers, ganon na lang makipagmatigasan sa kanilang mga costumer.

Etong pinakabagong reklamong dumating sa aking tanggapan, Honda ang inirereklamo. Naghamon pa raw ang manager ng Shaw Boulevard Branch na kahit saan magpunta ang biktima, wala siyang pakialam.

Ah ganoon, well here’s the catch Honda Shaw Boulevard branch, inimbitahan na ni Sen. Koko Pimentel ang nagrereklamo sa kanyang tanggapan. Ang opisina na mismo ng Senador ang susubaybay sa reklamo para masubukan ang pangil ng Lemon Law at mabigyan ng hustisya ang nagrereklamong buyer.

Siyempre, nakatutok at dokumentado ito ng BITAG. Layunin naming malinawan kung etong Lemon Law nga ba sa ‘Pinas ay talagang epektibo o depektibo rin?

Nakaantabay kami sa masasampolan ng batas na ito. Panoorin sa Bitag Official YouTube Channel ang video ng buong sumbong na ito.

LEMON LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with