^

PSN Opinyon

Palpak na Medics ng Trinoma Mall

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGSUMBONG ang pamilya ng asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, yesterday, para batikusin ang kapalpakan ng dalawang medics sa Trinoma Mall na dapat sanang umasikaso o nagbigay ng first aid sa isang batang duguan ang ilong na nadapa dahil nasubsob ito sa pagtakbo.

Ang security guard ng Emirates ay panay ang radyo sa kanilang central office para ipagbigay alam ang nangyari sa bata. After 5 minutes ay saka pa lang dumating ang isang medic man na pakaang-kaang kung maglakad.

Kaya tuloy, inis na inis ang pamilya ng batang nadisgrasya sa lalaking medic na dumating sa may concierge ng Trinoma dahil hindi man lang binigyan ng first aid ang bata.

Sabi nga, walang ginawa sa batang nagdurugo ang ilong at labi!

Ika nga, gusto lang yata ng ‘tsismis.’

Ang kamote medic man ay may dala pang ice bag o bulsa de yelo na akala ng pamilya ay mabibigyan ng ginhawa ang nagdudugong ilong ng batang nasubsob.

“Iyon pala ang dalang bulsa de yelo ay walang lamang yelo.  Nagpaalam pa ito sa pamilya na kukuha muna siya ng yelo.”

“Matagal bago pa ito nakabalik sa nadisgrasiyang bata.” sabi ng mga reklamador na pamilya.

Sinabihan na lamang ng pamilya ang kamoteng medic man na huwag nang makialam dahil itatakbo na lamang nila sa ospital ang bata para mabigyan ng lunas.

After a while,  mga 2 minutes ay nasalubong naman nila ang isang medic girl na nagtatatanong na parang imbestigador na pulis kung ano ang nangyari. Sa halip na bigyan niya ng first aide ang batang nadisgrasiya ay dumukot ito sa maliit na bag na dala niya at kumuha ng maliit na tissue.

Grabe!

Ano ba ito?

Sa kaba ng pamilya dahil sa nangyari sa bata, imbes na matuwa dahil may tutulong sa kanila ay galit ang umiral sa kanila.

“Mas mabuti pang hindi na kayo dumating dahil wala naman pala kayong gagawin.” sabi ng pamilya. 

Ano ba ang dapat gawin ng mga imbestigador este mali medics pala?’ tanong ng  kuwagong SPO-10 sa Crame.

Dapat mag-seminar ulit sila ng first aid at hindi pag-iimbestiga ang pinaggagawa!

Mr. Ayala, ano ba itong mga bata mo?

Abangan.

Illegal aliens sabit sa NAIA

AKALA ng mga international human trafficking syndicates lusot ang dalawang parokyano nilang Africans na may fake Canadian visas.

Ayon sa awa ni Lord, kalaboso sa BI Bicutan detention cell ang dalawang pekadores.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, unang dumating sa NAIA si Etienne Makang Nformem, isang Cameronian national galing Bahrain. 

Ibinida nito na dadalawin lamang niya ang kanyang pinsan bago siya pumunta sa Toronto pero ang kanyang Canadian visa ay buking na peke habang ini-eksamin ito ng immigration officer.

Kambiyo issue, si Abdelmotalab Idris Himat Mohamed, isang hudas este mali Sudanese national pala ay nahuli ng BI Travel Control Enforcement Unit sa Immigration departure counter ng NAIA T2 dahil aalis ito papuntang Toronto, Canada, nang mahila ng mga immigration agents sa BI counter,

Bakit?

Sagot - peke ang nabusising Canadian visa nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang crack ice este mali crackdown pala ng BI laban sa international syndicates na ginagamit ang  Manila bilang jump-off point nang  ipinupuslit na mga illegal aliens sa Canada.

Nagbabala si Grifton Medina, hepe ng BI port operations division  sa mga sindikato na itigil na ang kanilang maitim na balak sa pagpapalusot ng mga illegal alien dahil ang mga tauhan niya sa mga international airport ay nagmamatyag na parang mga buwitre na ano mang oras ay dadagitin ang mga kamote sa paliparan.

Sa ngayon ang dalawang nagpa-bright, bright na mga pekadores ay naghihimas ng rehas sa kanilang detention cell.

TRINOMA MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with