^

PSN Opinyon

Lihim ng Plaza Lawton

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG magkakapatayan sa Manila oras na ginalaw ang mga illegal terminal dyan sa may Liwasang Bonifacio dahil hindi birong salapi ang pakinabang ng mga buwitre dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mag-aamok ang isang gurang na bebot na nakapatong sa mga illegal terminal sa Liwasang Bonifacio kaya tuloy na parang mga ibong isiniksik ang mga dambuhalang bus dyan sa may Lawton para hindi mapansin ng bagong upong DOTR Secretary Art Tugade oras na pinasyalan niya ang ikinukuwento natin.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa-isa na raw bumibitaw ang mga kapanalig ng gurang na bebot dahil ayaw nilang masabit oras na umatake para linisin ang mga illegal terminal sa nasabing lugar.

Ika nga, naghuhugas kamay ang mga patong na kumita ng limpak - limpak na salapi para kotongan ang mga bus at SUV na nakaparada sa ginawang iligal terminal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inumpisahan na raw ng isang alyas ‘Happy’ ang pagdarasal at pagluhod sa Poong Nazareno para kumuha ng kakampi sa langit.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sinu-sinong padrino ang gagamitin ng bruha para lamang pagtakpan ang limpak-limpak na salaping kinikita nito sa lihim ng Guadalupe este mali Lawton pala.

Ngayon panay ang ikot ni Mayor Erap sa Manila para linisin ang kalsada pero mukhang hindi pa nagagawi ang bida sa Plaza Lawton para makita niya mismo ang pilahan ng bus echetera dito.

Ayon pa sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malakas ang loob ni alyas ‘Happy’ porke ang kanyang tara ay up to Manila City Hall ang hindi lang natin alam ay kung kasama sa tumatanggap diumano si Erap?

Abangan.

DEAR DJ JACKY G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with