^

PSN Opinyon

Duterte-Cayetano

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Siya ay matapang na kita sa mukha

gustong magpangulo ay nag-aalala;

magiging gawain baka di makaya

sabi nang marami umatras na siya!

 

Ito’y si Duterte nag-mayor sa Davao

na ubod ng tapang at gulat ang tao;

mga tagaroong masama ang bisyo

ay bahag ang buntot takot na totoo!

 

Pangamba ni Digong ay gayon na lamang

kung kaya huli na nang siya ay nag-file

ng kanyang CoC noong palistahan

doon sa Comelec siya’y pinayagan!

Tanong mang maraming boboto sa kanya

tungkuling hinangad kakayanin kaya?

Kahit na matapang ang kanyang bunganga

ang lihim na takot ay kita sa mukha!

 

Dahil siya’y mayor nang malaking s’yudad

ang kanyang CoC ay agad tinanggap

ng ating Comelcc na ang tanging hangad

siya ay pagbigyan at baka mang-harass!

 

Palibhasa siya’y may mga advisers

kaya ang katandem nasa wastong panig;

siya’y Cayetano na laging kapanig

sapul sa simula siya ang ninais!

 

Senator Cayetano nararapat lamang

na maging katandem sa panguluhan;

doon sa senado at kahit saanman

galing ng senador ay maaasahan!

 

Kaya kung talagang matapang si Digong

katapangan niya’y ipakita ngayon

sa kanyang layuni’y hindi urong-sulong

upang ang botante’y di hilong-talilong!

ACIRC

ANG

CAYETANO

COMELCC

COMELEC

DAHIL

DAVAO

DIGONG

DUTERTE

SENATOR CAYETANO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with