^

PSN Opinyon

Pamilyang Pinoy

Danton Remoto - Pilipino Star Ngayon

ANO ba ang mga katangian ng pamilyang Pinoy?

Una, ang dami nating kamag-anak. Maganda ito kapag may eleksyon—maraming boboto sa iyo. Masama ito kapag sila’y may sakit—magiging one-man DSWD ka sa pagtulong sa kanilang lahat!

Pangalawa, meron kang uncle o auntie na medyo mashonda na pero ang mga pangalan ay BOY, BABY, TOTOY, o GIRLIE. Meron din tayong kamag-anak na may H sa kanilang mga pangalan. Halimbawa: JHUN, MHIKE, BHEN at SAHMEEH.

Dagdag pa rito ang mga kamag-anak na paulit-ulit ang syllables ng mga pangalan: JUN-JUN, LING-LING, MON-MON. Dagdag pa ang mga public personalites na sina BONGBONG at KRING-KRING. O mga pangalan na may ibang meaning sa ibang bansa, tulad ng DING DONG.

TITO at TITA naman ang tawag natin sa kaibigan ng ating mga magulang. At sa showbiz, aba’y kabilis nilang nahahanap ang kanilang mga kamag-anak. Everyone is a TITO or a TITA sa mundong ito.

Tatlo, apat, minsa’y lima pa nga ang pangalan ng mga bagets na Pinoy: Abigail Beulah Charmee Desiree Everlasting ang isang example. Kumpleto na ang A B C D E!

Sino ang makakalimot kay Lola Circumsicion sa Pampanga na ipinanganak sa araw ng circumsicion ni Hesukristo? Ano kamo ang palayaw ni Lola Circumcision? LOLA TULE!

Noong nag-aaral pa ako sa Amerika, kada Disyembre’y umuuwi ako sa Pilipinas. Super tipid makauwi lamang. Naghahanap ako ng pinakamurang flight mula New York hanggang Maynila. Deadma na kung apat na beses akong umakyat at bumaba ng eroplano sa dami ng connecting flights, basta makauwi lang.

Naghihintay kasi ang parol at puto bumbong, ang lechon de leche at leche flan. Nandyan ang ingay ng reunion at ang lagabog ng New Year’s Eve.

“I’ll Be Home for Christmas” ang isang paboritong awitin natin tuwingPasko. Just ask any OFW kung ano ang ipagpapalit niya, makauwi lamang sa Pilipinas sa Pasko.

Comments: [email protected]

A B C D E

ABIGAIL BEULAH CHARMEE DESIREE EVERLASTING

ACIRC

ANG

BE HOME

DAGDAG

LOLA CIRCUMCISION

LOLA CIRCUMSICION

MGA

NEW YEAR

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with