^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Lipulin ang mga lamok na nagdadala ng dengue

Pilipino Star Ngayon

MULA Enero hanggang Agosto 2015, may 55,079 kaso ng dengue ang na-monitor sa bansa. Tumaas ng 9.15 percent ang mga nagka-dengue ngayon kumpara sa nakaraang taon sa parehong period.

Sabi ni Health Secretary Janet Garin, tumaas ang nagka-dengue sa Cavite, Central Luzon, at Central Visayas. Nagdeklara na ang local government ng Cavite ng state of emergency dahil sa pagdami ng dengue victims. Ayon pa sa DOH ang pagdami ng dengue victims ay dahil na rin sa impact ng El Niño. Nagkukulang na ang tubig sa mga dam kaya ang abiso ng mga water distributors (Maynilad at Manila Water) sa consumers na mag-imbak ng tubig sapagkat babawasan ang alokasyon upang hindi agad maubos sa panahon ng pananalasa ng El Niño. May mga nag-iipon ng tubig subalit hindi naman tinatakpan ang mga lalagyan at dito nangi­ngitlog ang mga lamok na may dengue.

Ipinaalala ng DOH na maging maingat at huwag hahayaang nakalantad ang mga drum, timba at ibang lalagyan ng tubig para hindi pangitlugan ng lamok. Ipinayo rin ng DOH sa mamamayan na mag­linis ng kapaligiran. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok na tinatawag na Aedes Aegypti.

Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat mabilis dumami ang mga lamok dito. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti sapagkat batik-batik ang katawan nito. Kadalasang sa araw ito nangangagat at karaniwang biktima ay mga bata.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat (rashes) pananakit ng ulo at kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

Paigtingin pa ng DOH ang pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib. Ituro sa mga estudyante ang pag-iingat at paglilinis sa kapali­giran para walang lamok na mabuhay. Ang regular na paglilinis sa kapaligiran at pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura ang pupuksa sa mga nakamamatay na lamok.

vuukle comment

ACIRC

AEDES AEGYPTI

ANG

ATILDE

CAVITE

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

DENGUE

EL NI

HEALTH SECRETARY JANET GARIN

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with