^

PSN Opinyon

No eviction sa Smokey

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

YAONG mga lehitimong benepisyaryo ng housing pro- ject sa Smokey mountain sa Balut, Tondo ay walang dapat ipangamba sa demolisyon ng mga tahanan. Ito ay sa kabila ng road expansion program sa R-10.

Kung may bubuwagin mang mga bahay, ito yaong mga illegal na istruktura sa gilid ng daan na sa tingin ko’y isang problemang naresolba na ng pamahalaan dahil tuluy-tuloy naman ang pagtatayo ng highway. Mayroon kasing mga taga-Smokey Mountain na nangangambang mawalan ng tahanan. Ang isa pang dahilan ng pangamba ay yaong delinkuwenteng pagbabayad ng mga housing beneficiaries.

Ayon kay Manila Ist District Rep. Benjamin “Atong” Asilo, Tagapangulo ng House Committee on People’s  Participation, “Hindi na mabubuwag sa kanilang tirahan ang marami  mahigit na 20 libong residente ng smokey mountain o “Paradise Heights”.

Nagkasundo na kasi ang Home  Guaranty Corporation, National Housing Authority  at mga lider ng residente ng smokey mountain sa pagdinig ng komite na maisaayos ang kanilang pagbabayad sa kanilang mga units na inookupahan.

Yun naman pala eh. Basta ba hindi nababalam ang pagbabayad ng amortisasyon eh di walang problema. Nakukuha naman sa pakiusapan ang gobyerno lalu pa’t mga mahihirap ang nakikiusap.

 Nanawagan si Asilo kay Pangulong Aquino na tulu­ngan ang mga residente ng smokey mountain na ma­bigyan ng programang pangkabuhayan bukod pa sa kakulangan na pabahay na naipangako ng mga nakalipas na administrasyon.  Oo nga naman. Importante sa ganyang programa ang pagkakaroon din ng programang pangkabuhayan para makatupad sa obligasyon ang mga benepisyaryo.

Nauna rito, nagkakaroon ng iringan  ang R-2 builders na kontratista sa  smokey mountain at HGC na nagbunsod dito para ipa-auction ang lugar na tinitirahan ng libo-libong residente. Pinakiusapan naman ng mambabatas ang mga residente na maging responsable sa pagbabayad sa   National Housing Authority para sa kanilang pananatili sa nabanggit na lugar.

ACIRC

ANG

ASILO

GUARANTY CORPORATION

HOUSE COMMITTEE

MANILA IST DISTRICT REP

MGA

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NBSP

PANGULONG AQUINO

PARADISE HEIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with