^

PSN Opinyon

Subukan ang generics na gamot

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

DAHIL mahal ang presyo ng gamot, ang payo ko ay mag-generics tayo.

Bakit mura ang generics? Mas mura ang generics na gamot dahil hindi sila gaano gumagastos sa advertisements at promotion. Kaunti rin ang sinusuwelduhang empleyado, kaya mas mura ang benta nila. Isa pa, wala nang Patent (open na sa publiko) ang mga gamot na ito kaya ang ibang kompanya ay puwedeng gumawa at magbenta nito.

Ang mga gamot para sa impeksiyon, altapresyon, diabetes at iba pa ay mabibili sa Botika ng Bayan. Ma­baba rin ang presyo ng mga gamot para sa lagnat, ubo, trangkaso at antibiotic.

Ang halaga nito ay mula P2 hanggang P8 lamang ang isang tableta. Kung ikukumpara natin ito sa mga gamot sa malaking drugstore, umaabot sa P20 hanggang P50 ang mga gamot dito.

Mabisa ang generics na gamot

Oo, mabisa ang generics. Alam kong may nagsasabi na mahina ang mga generics. Ang mga nagrereklamo ay ang mga dayuhang kompanya na nagbebenta ng napakamahal na gamot.

Halimbawa, mas mabisa kaya ang pag-inom ng antibiotic na nagkakahalaga ng P200 bawat tableta o ang pag-inom ng murang antibiotic na P7 lang pero araw-araw mo namang iinumin ng 10 araw? Depende sa budget mo. Sa aking palagay, mas mabisa iyung   gamot na iniinom araw-araw. Walang epekto ang pa-isa-isang tableta lang.

Sa mga kompan ya ng gamot, kung tunay na gusto niyong tumulong sa mga Pilipino, ibaba natin ang presyo ng gamot.

Mag-generics tayo

Kung kayo ay mayaman, puwede kayo bumili ng mamahaling gamot sa drug store. Pero kung gipit kayo sa budget, ang payo ko ay mag-generics. Bumili ng sapat na gamot at inumin ng tamang dosis para tuluyan kayong gumaling. Magtiwala po kayo.

ACIRC

ALAM

ANG

BAKIT

BAYAN

BOTIKA

BUMILI

GAMOT

GENERICS

HALIMBAWA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with