^

PSN Opinyon

‘Lie down o layoff’

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nagsusumbong sa akin na mga Brod and  Sis sa Kapatiran ng Rose (Respect Our Security of Employment) movement na marami sa kanila ay mga biktima ng sexual harrassment sa trabaho ngunit di na sila nagre-reklamo o nagsusumbong sa mga mister o magulang nila dahil kailangan nila ang trabaho.

Karamihan sa kanila ay may mga magulang na inaa-lagaan at may mga anak na tinutustusan ang pag-aaral kaya kapag ginusto ng kanilang mga supervisor o employer o may-ari ng ahensiya na makipag-sex sa kanila, di sila nakakatanggi.

Lumalaganap ang sexual harassment sa hanay ng mga contractual na salesgirls sa shopping malls, restaurants, factories at iba pang mga negosyo na nagpapairal ng contractualization dahil sila ay puwersahang pinapi-pirma ng mga employment contracts na tumatagal ng 5 months lamang.

Para seguradong ma-rehire for another 5 months ang ilan ay pinapipili ng ilang manyakis na amo ng ganito: “Ano gusto mo mag-lie down o ma-layoff.?”

Hindi lang ito ang pang-aabuso laban sa salesgirls o 555 o endos, sila rin ang nagpapatahi at gumagastos para sa kanilang mga uniporme; hindi sila pinauupo habang nasa trabaho; walang 13th month pay at iba pang labor benefits at kapag umabot na sila ng 28 o 30 years old ay itinitiwalag na silang tuluyan dahil ang turing sa kanila ay mga “gurang” na, kumbaga hindi na sila “chicks” kundi mga “hen” na.

Ito ay labag sa security of tenure clause ng Constitution at ng Article 280 ng Labor Code. Pulitika ang dahilan kaya hindi naipatutupad ang batas laban contractualization.

Bawat presidential elections, binubuhusan ng mga hari ng mga tycoons o hari ng contractualization ng mil­yones na campaign donations ang lahat ng tumatakbo sa pagka-presidente. Kaya kung sino man ang manalo sa kanila, may utang na loob na sa mga nagpapairal ng contractualization kaya binabalewala ang pang-aabuso sa contractualized employees.

Walang ibang makakatulong sa mga 555 o endos kundi ang mga sarili nila sa pamamagitan ng pagsali sa Rose Movement. Maaasahan ng mga sasali na gagawing confidential ang kanilang membership.

Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

ANO

BAWAT

FACEBOOK

LABOR CODE

RESPECT OUR SECURITY OF EMPLOYMENT

ROSE MOVEMENT

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with