^

PSN Opinyon

Sakla

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TALAMAK na ang sakla sa Cavite subalit mukhang hindi ito pinapansin ng top cop na si Sr. Supt. Joselito Esquivel. Ipinamalita kasi ng isang alyas Aling Tessie na ang financier na si Jun Guinto ang pumalit kay Danny Itlog. At ang management ni Guinto ay isang alyas Junel na isang pulis. Si Junel ay sagradong bata ni Jorge del Rosario na tumakbong mayor sa Pasay City subalit natalo. Sa Bacoor ang puwesto ng sakla at pinamamahalaan ng isang alyas Ronnie. Totoo kaya na kay Aling Tessie dumadaan ang lingguhang intelihensiya ni Guinto? Hayan, Col. Esquivel Sir, hambalusin mo ang mga sakla ni Guinto sa Cavite para mabura ang akusasyon na pasok siya sa “bulsa” este sa opisina mo?

Kung hindi maaksiyunan ni Esquivel ang pa-sakla ni Guinto sa Cavite, mukhang inutil din si SPD director Chief Supt. Jet Villacorte sa video karera operations ng isang alyas J. Yap sa southern Metro Manila. Si Yap ay nakatimbre lang sa opisina ni Villacorte, sa mga PCP at mga LGUs kaya bagyo ang mga nakalatag niyang makina. Madugas si Yap dahil ang station commanders ay hindi niya pinapansin. Kapag nakumpiska ang VK ni Yap isang tawag lang ng LGU at hayun bibitawan na. Ayon sa mga suki ko may nakalatag na makina si Yap sa Makati, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, at Taguig. Ginagaya ni Yap ang mga sticker ng karibal niya para hindi siya mahalata. At kapag mainit ang kapulisan laban sa video karera, tiklop kaagad si Yap para hindi madale ang kanyang makina, hehehe! Magulang si Yap ano mga suki?

Pero pasasaan ba’t mapaglalangan din ng operating units ng PNP at ng ilang ahensiya ng gobyerno si Yap dahil hindi siya nakatimbre sa mga ito. Isang malaking hamon para kay Villacorte ang mga makina ni Yap. Samantala, sa Maynila tahimik pa ang kalakaran ng video karera. Ipinagkakalat kasi nina alias “Batman” and “Robin” sa MPD Headquarters na wala pang balita kung sino kina Buboy Go at Gina Gutierrez ang binasbasan ni Mayor Erap Estrada para mag-operate ng VK sa Maynila. Ang sabi kasi nina Go at Gutierrez, P1.5 milyon na naiparating umano kay Erap ni Chief Insp. Bernabe Irinco, ang hepe ng MASA. Lumapit na rin umano si Buboy sa anak ni Erap na si Jude subalit naglaho ang P600,000 niyang padulas. Kaya hayun, dumirekta na si Buboy kay Erap. Ano ba ‘yan? Abangan!

vuukle comment

ALING TESSIE

BERNABE IRINCO

BUBOY

BUBOY GO

CAVITE

ERAP

GUINTO

YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with