^

PSN Opinyon

Sakit sa puso at sakit sa dibdib

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

BILANG isang espesyalista sa puso, sari-saring sakit sa dibdib ang kinokonsulta sa akin. Sa aking palagay, 80% ng mga sakit sa dibdib ay walang kinalaman sa puso. Paano ko nalalaman na HINDI sa puso ang problema? Nahuhulaan ito ng doktor sa pagkukuwento ng pasyente ng kanyang nararamdaman.

Kung ang sakit sa dibdib ay parang tumutusok, hindi iyan sa puso. Kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib, hindi rin iyan sa puso. Kadalasan ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot. Baka natulog ka sa matigas na higaan. Baka nadaganan ni Mister. Baka nagbuhat nang mabigat at na i-sprain ang laman. Ang solusyon dito ay pahinga lamang. Puwedeng uminom ng mefenamic acid kapag makirot talaga.

May 2 pang tanong para masuri kung galing sa puso ang pananakit. Una, kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pa-nanakit sa dibdib? Kapag naituro ng pasyente ito, hindi iyan sa puso. Ang sakit sa puso ay hindi maituro ng 1 daliri.

Pangalawa, gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib? Kapag wala pang isang minuto ang tagal ng sakit o dili kaya lampas 1 oras ang kirot, siguradong hindi iyan sa puso. Ang tunay na sakit sa puso ay mula 5 minuto hanggang 15 minutos lamang.

Ano ba talaga ang sakit na galing sa puso? Ang sakit sa dibdib ay sinasabing mabigat at parang may nakadagan sa dibdib. Ang sakit ay tumatagal lang ng 5 hanggang 15 minutos. Dumarating ang sakit kapag napapagod, naglakad nang malayo o umakyat ng hagdan.

Madalas magkaroon ng sakit sa puso ang mga kalalakihan, mula 50 edad pataas. Kung may katabaan, may diabetes, o may lahi ng sakit sa puso, malaki ang tsansa na baka puso ang diperensiya. Sa ganitong sitwasyon, magpatingin sa doktor.

Pero kung bata ka pa naman, wala pang edad 30, lalo na kung babae ka, halos sigurado ako na hindi sa puso ang problema. Huwag mangamba. Magpa-check sa isang espesyalista sa puso kung kinakailangan.

vuukle comment

ANO

DIBDIB

DUMARATING

HUWAG

KADALASAN

KAPAG

KUNG

PUSO

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with