Epekto ng paglisan ng US sa Pinas
DAMA na natin ang hataw ng paglisan ng mga US military bases sa Pilipinas na nangyari noon pang panahon ni Presidente Cory Aquino. Mahigit sa 20 dekada na ang nakararaan.
Matindi na ang ginagawang panduduro sa atin ng komunistang Tsina na kulang na lang ay angkinin ang buong Pilipinas.
Kung gugunitain, ang mga nagpasimuno at nagsipag-aklas para lumayas sa bansa ang US bases ay ang mga militanteng komunista.
Kaya habang nagsusumigaw ang iba-ibang sektor sa ginagawang harassment ng China sa Pilipinas, nasaan sila? Kapag ang usapin ay tungkol sa joint military exercises ng Pilipinas at Amerika, lalantad sila sa kalsada sa harapan ng US embassy para magprotesta.
Ahh, kitang-kita ang kulay nila. Talagang pulang-pula.
Hindi ako pro-US subalit kung kailangan natin ang suporta at tulong ng malakas na bansa, bakit tututulan natin ito? Iniisip ko lang: Kung ang China kaya ang magtayo ng base military sa Pilipinas, aalma kaya ang Communist Party of the Philippines at ang armadong army nito na NPA?
Naranasan na natin kung papaanong duruin at takutin ng mga barkong military ng China ang mga Pilipinong mapayapang nangingisda sa sarili nating karagatan. Tinatakot pa tayo na mag-uurong ng importanteng investment sa bansa kapag nagreklamo tayo sa international forum na dapat dulugan.
Hindi ko nga maunawaan kung bakit tuloy pa rin ang negosasyong pangÂkapayaan sa mga komuÂnista na animo’y magbubunga ng positibong resulta.
Ang gusto ng mga Pulahan ay kamkamin ang buong pamamahala sa gobyerno upang ang PiliÂpinas ay maging komunistang bansa. Basic principle iyan ng Marxism: Buwagin ang bulok na sistema at ipairal ang komunismo.
- Latest