^

PSN Opinyon

Palakpakan si Sr. Supt. Romulo Sapitula

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI kataka-taka kung sa mga darating na araw ay uulan ng promotion sa Laguna Provincial Office. Mula kasi nang pamunuan ni Senior Supt. Romulo Sapitula  ang Laguna Provincial Police Office at ilunsad ang Oplan “Trojan War” sunud-sunod na nalalaglag ang mga kriminal na matagal nang naglulungga sa probinsiya ni Governor  Jeorge E.R. Ejercito Estrada.

Noong Sabado (Marso 15) dakong 5:30 ng hapon na-neutralized ang balak ng isang “gun for hire group” nang aksidenteng masita sa isang check point sa National Highway, Barangay Bulilan Sur, Pila, Laguna na pinamunuan ni Senior Inspector Ricky Dalisay. Ayon sa impormasyong nakarating sa akin, sumibad ang Honda CRV na may plakang XHL-213 nang matanaw ang checkpoint na tinatanuran nina Sr. Insp. Dalisay, SPO4 Cesar Z Ruz–Dcop,  PO3 Philip Pablico, PO3 Johnny M. Faeldan, PO2 Rolen J Jovenes, PO2 Benito G Maranan, PO2 Dandy Mendoza, PO2 Ronald P Morallos, PO2 Frederick Natiola, PO2 Camilo Pulgar at PO1 Albert Gian Carlo Mangue kaya hinabol nila ito. Nang makorner,  magalang na sinita ang mga sakay nito at napansin ang nakasukbit na baril sa baywang ng isa sa mga suspect kaya napilitan nang pigilin ang mga ito. Nang maghalughog ang mga pulis ni Dalisay nakuha ang mga granada sa ilalim na upuan ng CRV. Doon nagsimula ang pagtatanong ng mga pulis at nakilala ang dalawa na sina Restituto Tutors y Diaz, 44, ng Bgy. Calumpang, Tayabas, Quezon at Daniel Magcawas y Ricalde, 45, driver, bodyguard ng nagngangalang Alice Lazada, at residente ng Mercado Village, Pulong Sta Cruz, Sta Rosa City, Laguna.

Kita n’yo na mga suki, kung may tiyaga tiyak na may nilaga. Kasi nga noong unang makausap ko si Sapitula puro buntonghininga ang napapansin ko sa kanya dahil wala siyang tauhan na dinala kung kaya nangapa muna siya ng mabuting kaparaanan na mapalapit sa kanya ang mga antigong pulis doon. Hehehe! Subalit mukhang nakuha na niya ang kiliti ng mga kapulisan sa Laguna kaya walang patid ang kasipagan ng mga ito sa kanyang kampanya laban sa salot na droga, loose firearms, wanted persons at gun for hire syndicate. Kung sabagay subok ko itong si Sapitula pagdating sa trabaho ng pulis dahil marunong itong tumanaw ng utang na loob lalo sa kanyang mga tauhan. Noong nasa Maynila pa siya, maraming pulis ang umangat ang ranggo at natutong magtrabaho ng matapat kaya kahit na nasa malayo pang lugar itong si Sapitula ay hindi nila makakalimutan. Kaya marahil todo suporta ang mga kapulisan diyan sa Laguna sa programa ni Sapitula na mabigyan ng tamang proteksyon ang mga mamamayan ni Gov. Ejercito. Keep up the good work Col. Sapitula, I salute you. Palakpakan natin si Sapitula! 

 

ALBERT GIAN CARLO MANGUE

BARANGAY BULILAN SUR

BENITO G MARANAN

CAMILO PULGAR

CESAR Z RUZ

DALISAY

DANDY MENDOZA

SAPITULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with