Ano po ba ang tunay na pag-ibig?
Ang pagsunod sa utos ng Diyos ay kabuuan ng ating pag-ibig sa Kanya. Nilikha Niya tayo at Siya ang nagbibigay sa atin ng lahat ng bagay lalung-lalo na ang buhay. Dampian ng ating palad ang ating puso at sa bawat tibok ay damahin natin ang Kanyang bigay na buhay.
Napakabait Niya at binibigyan pa tayo ng kalayaan upang mamili sa dalawang bagay. Sinusubukan tayong namili: tubig o apoy, buhay o kamatayan, kabutihan o kasamaan. Napakalawak ng Kanyang pag-unawa at pag-ibig sa atin. “Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyosâ€.
Sinabi ni Pablo, “Ang panukala ng Diyos ay nalilihim sa tao; itinalaga Niya ito para sa ating ika-darakila.†Si Hesus ay naparito sa daigdig hindi upang pawalambisa ang kautusan at aral ng mga propeta kundi para ipaliwanag ito at ganapin. Sinabi ni Hesus na magwawakas ang langit at lupa ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng kautusan ay hindi mawawalan ng bisa. Muling binanghay at iniisa-isa ni Hesus ang utos ng Ama.
“Kung ang pag-sunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng mga Eskriba at Pariseo hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.†Ilan kaya sa atin ang alam pa ang kabuuan ng Sampung Utos ng Diyos at hindi naman natutupad mula sa ating puso at isipan? Iniibig din ba natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig natin sa ating sarili? Noong nakaraang Huwebes ay Araw ng mga Puso. Paano ba natin ito ipinagdiwang? May kabanalan ba, kalinisan, pagtitiis ay pag-aalay ng tunay na pag-ibig ayon kay Hesus o pawang karangyaan, kahalayan o sekswal? Ang Diyos lamang ang nakaaalam kung paano ba natin ito ipinagdiwang! Tuwing Valentine’s Day ay naalala ko isang kapatid na pari na naroon sa harap ng mga motel. Katulad niya si San Juan, sumisigaw sa madla na linisin ang tunay na pag-ibig. Nabalitaan ko ngayon na siya ay isa nang paring Fransiskano!
Sirak 15:16-21; Salmo 118, 1Corinto 2:6-10 at Mateo 5:17-37
- Latest