^

PSN Opinyon

Premyong kotse ng nanalong playmate binabawi ng Playboy Philippines

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang binabawi ng management ng Playboy Philippines ang napanalunang premyo ng isang nanalong Playboy playmate?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Boots Anson Roa-Francisco, Hermana Chona Bacoling ng Caoayan City, Isabela, Atty. Romeo dela Cruz, Boy Lacanilao ng Cotabato City, Jun Malla­ri ng Saranggani at Padre Pinaroc ng Marinduque. Happy wedding anniversary kina Danny at Booch  Munoz ng Ayala Alabang, Muntinlupa City.
 Alam n’yo bang mangiyak-ngiyak ang nanalong model ng Playboy sa isang contest sa The Republic, Resorts World Hotel, Pasay City?

Ayon sa aking bubwit, ang nanalong Playmate ay may premyong kotseng Hyundai Eon na kulay Silver at cash na P100,000. Ipinagamit sa kanya ang kotse subalit binabawi ngayon ng management ng Playboy Philippines. Ang malungkot, hulugan pala ang kotse at hindi pa inililipat sa pangalan ng winner ang rehistro ng kotse. Bukod sa pagbawi sa kotse, hindi rin ibinigay ng buo ang kanyang cash prize na P100,000. Hinuhulugan sa kanya ng P2,600 kada buwan.

Ayon sa aking bubwit, gusto pa ng management ng Playboy na magtrabaho siya bilang model at promotions and advertising officer sa loob ng tatlong taon. Nang hindi pumayag ang model, binabawi ang premyong  kotse.

Ayon sa aking bubwit, ang playboy model na nag­rereklamo ngayon dahil binabawi ang premyong kotse ay si Ms. Jobelyn Reprado, HRM graduate ng Lyceum of the Philippines. At ang presidente ng Playboy Philippines ay si Mr. Sam Cu.

vuukle comment

AYALA ALABANG

AYON

BOOTS ANSON ROA-FRANCISCO

BOY LACANILAO

CAOAYAN CITY

COTABATO CITY

HERMANA CHONA BACOLING

HYUNDAI EON

PLAYBOY PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with