^

PSN Opinyon

Special chicken soup para lumaban sa sakit

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NAGING uso ang mga libro tungkol sa “Chicken Soup for the Soul.” May nilalaman itong mga magagandang kuwento na may aral para sa atin. Pero kahit noong una pang panahon, ginagamit na ang chicken soup o sabaw ng manok para sa may karamdaman. Tunay kaya ito?

Oo, ang chicken soup ay may benepisyo sa mga sumusunod na kondisyon: ubo, sipon, trangkaso, hangover at nagpapa-breast feed.

Heto ang sangkap ng chicken soup: 1 buong manok; 4 na butil ng bawang; 3 sibuyas; 10 carrots; 1 camote; 6 tangkay ng celery; at buong paminta.

Paraan ng Pagluto: Ilagay ang manok sa isang mala-king kaldero. Lagyan ng 12-16 na basong tubig. Pakuluin ang sabaw. Ihalo ang sibuyas, bawang, celery, camote at carrots. Pakuluan ng mga 2 oras. Dagdagan ng konting asin at buong paminta para magkalasa.

Special Ingredients: (4 C’s)

1. Chicken soup – Ayon sa mga pagsusuri ni Dr. Stephen Rennard ng University of Nebraska, ang chicken soup ay tumutulong sa pag-alis ng pagbabara dulot ng sipon at plema. Pinipigilan nito ang pamamaga ng tonsils at paggawa ng plema (anti-inflammatory). Ang chicken soup ay may sangkap na amino acid, ang cysteine, na lalabas sa pagluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema (mucus) sa ating baga, at pinapabilis ang ating paggaling. Ang manok ay mataas din sa protina.

2. Sweet potato (Camote) – Ang camote ay may maraming carotenoids tulad ng beta-carotene. Ang mga anti-oxidants na ito ay nakukuha dahil sa kulay dilaw (yellow-orange) ang camote.

Mataas din ang camote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium. At bukod dito, walang taba ang camote at mababa pa sa calories. Ang 1 camote ay may 54 calories lamang. At ayon sa pagsusuri, nakakabawas ng tsansa ng lung cancer ang pagkain ng camote, kahit pa ikaw ay naninigarilyo. Kaya huwag balewalain ang camote.

3. Carrots - May ilang pag-aaral ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser. Ito rin ay may taglay na beta-carotene at Vitamin A. Ang vitamin A ay tumutulong din lumaban sa impeksyon at mabuti rin sa ating mata.  Isa pa, okay din ang carrots pang-diyeta dahil 35 calories lang ang kalahating tasa ng carrots.

4. Celery – Ang celery ay mataas sa vitamin C, magnesium at iron na kailangan ng ating dugo. Ayon sa ibang eksperto, may tulong ang celery sa mga sakit sa baga tulad ng hika at bronchitis. Puwede din ang celery sa mga may sakit sa puso.

5. Bawang - Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. Sa laboratory studies, may panlaban din ang bawang sa mga impeksyon. Para maging epektibo, ang bawang ay kailangang lutuin.

6. Sibuyas – Ang epekto ng sibuyas ay katulad din ng bawang. May mga sulfur compounds ito na panlaban sa inflammation o pamamaga.

7. Black pepper - May taglay itong volatile oils at alkaloids na makatutulong sa pagluwag ng ating sinuses o iyung daanan ng sipon. Puwede din ang black pepper sa may ubo at trangkaso. Medyo pagpapawisan ka rin kapag kumain ka ng black pepper.

AYON

BAWANG

C AND E

CAMOTE

CARROTS

CHICKEN

CHICKEN SOUP

DIN

DR. STEPHEN RENNARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with