^

PSN Opinyon

Above the law

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KUNG itong nakalipas na Pasko ay dapat bukas ang ating puso, sa pagpasok ng bagong taon ay dapat bukas din ang ating isip. Katwiran, imbes na emosyon ang ipairal. At importante na makuha natin ng kumpleto ang buong katotohanan bago makapagpasya sa bawat usapin. Hindi iyong padalus-dalos at magpapadala na lang sa alab ng damdamin. Higit sa lahat, impormasyon ang mahalaga.

Madaling sabihin subalit mahirap gawin. Lalo na sa pulitika. Gaya ng patuloy na batikos na pinupukol sa pamilyang Binay dahil sa video footage ng pagharang kay Makati Mayor Junjun ng security guards ng Dasmarinas Village (“Dasma”) sa Makati. Sa media, wala kang makikitang nagsisimpatiya kay Mayor Binay. Galit at pagkasuklam sa isang opisyal na nag-isip na exempted siya sa patakaran. 

Subalit kung pag-aaralan ang mga patakaran na ipinapatupad ng Dasma, lumalabas na sila itong nag-aakala na maari nilang i-exempt ang sarili sa batas. Ang mayor ang siyang may responsibilidad sa ilalim ng local govt code (R.A. 7160) at, sa kaso ni Mayor Binay, ng city charter ng Makati (R.A. 7854) - na siguruhin ang peace and order at ang pangkalahatang mabuting kalagayan ng buong lungsod. Sa obligasyong ito ay walang tulugan. May kapangyarihan ito sa batas na magbitbit ng armas at utusan ang kapulisan.

Sa naganap na showdown sa gate ng Dasma – kung saan ang Mayor ay hindi naman nagpupumilit pumasok (siya’y nakikiusap lang na lumabas), hindi nirespeto ng mga guwardiya ang posisyon ng mayor at ang kalahatan ng kapangyarihang kailangan niyang gampanan bilang ama ng buong Makati, pati rin ng mga sa loob ng Dasma nakatira. Tatlong taon na mayor si Junjun Binay – hindi ito make-up o uniporme na maaring hubarin bago matulog sa gabi. Hindi natin maaring payagan na maantala si Mayor Binay o sino mang Mayor sa sarili niyang teritoryo sa pagpatupad ng katungkulan anumang oras ng araw o gabi. Isa itong sagradong tiwala na pinagkaloob ng milyon-milyong botante.

Ito ang kalalabasan ng aksyon ng mga guwardya nang gabing iyon. Kung pangangatawanan ang paglimita ng Dasma at ng iba ring mga exclusive village sa mga kilos ng mayor sa loob ng kanilang komunidad, para na rin nilang inamin na may sariling silang kaharian kung saan wala silang pakialam sa batas ng mga halal na institusyon ng bayan.

Kung ganoon, si Mayor Binay ba talaga ang nagmamalaki na hindi siya sakop ng batas?

BINAY

DASMA

DASMARINAS VILLAGE

GALIT

JUNJUN BINAY

MAKATI

MAKATI MAYOR JUNJUN

MAYOR

MAYOR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with