^

PSN Opinyon

Ikulong si David Tan at mga kasapakat

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ASTIG itong si David Tan. Ayon sa report, umabot ng P6 billion ang bribe money na naiabot ng mamang ito sa mga tiwaling kawani ng Bureau of Customs sa loob lamang ng dalawang taon (2011 hanggang 2013) para mapalusot ang mga kontrabando gaya ng bigas at iba pa. Matagal na raw naghahari-harian ang smuggling lord na ito. Kasama raw sa sindikato niya sina Danny Ngo, Willy Sy at iba pang Chinese sounding names. Pinupulutan lang ng mga Intsik na ito ang sambayanang Pilipino. Wala silang pagmamahal sa bayan.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi nahuli ni Gen. Danny Lim ang mga taong ito noong kapanahunan niya bilang Deputy Commissioner of Customs for Intelligence. Anong klaseng intelligence mayroon si Lim?

Kasama ko si Lim sa pagpapatalsik sana kay illegitimate President Gloria M. Arroyo. Ngayon alam ko na kung bakit hindi kami nagwagi. Low IQ pala itong si Lim, o baka naman high IQ nga pero binulag naman siya ni Tan at nang limpak-limpak na salapi. Malamang ito rin ang ginawa kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon. Hindi man lang nabanggit ni Biazon sa kanyang mga pahayag ang smuggling lord na si Tan sa loob ng tatlong taong panu­nungkulan niya as if the sob does not exist.

Kongresista na ako ngayon pero iiwanan ko ang puwes­tong iyan kung halimbawa at itatalaga ako ni P-Noy na pinuno ng isang special task force para magpakulong kay Tan at iba pa. Kasama sa magiging imbestigasyon ko ang alamin kung sino ang mga kasapakat ni Tan sa Customs para maipakulong din maging si Lim o si Biazon. Kaya kong tapusin ang mission na iyan sa loob ng tatlong buwan.

 

vuukle comment

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DANNY LIM

DANNY NGO

DAVID TAN

DEPUTY COMMISSIONER OF CUSTOMS

KASAMA

PRESIDENT GLORIA M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with