^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ingatan ang whistleblowers

Pilipino Star Ngayon

KUNG meron mang dapat ingatan ang awtoridad sa kontrobersiyal na pork barrel scam, iyan ay walang iba kundi ang whistleblowers. Mas mahalaga sila kaysa mismong “utak” ng P10-bilyong pork barrel na si Janet Lim Napoles. Kapag nawala ang whistleblowers, tiyak na hihina ang kaso at maaaring mapawalang sala si Napoles. Kapag nawala ang whistleblowers, wala nang kokontra sa mga pagtanggi ni Napoles. Nang magkaroon ng hearing noong Huwebes, bawat pagtanggi  ni Napoles na may kinalaman siya sa pork barrel scam ay kinokontra ni main whistleblower Benhur Luy. Lahat nang mga hindi maalala ni Napoles ay inisa-isang inilahad ni Benhur. Bukod kay Benhur, lima pang whistleblowers ang nagpatunay na may kinalaman si Napoles sa scam. Ang whistleblo-wers ay pawang dating empleado ni Napoles sa JLN Trading sa loob ng 10 taon.

Mas mahalaga ang whistleblowers sapagkat sila ang magpapatunay ng mga masasamang nangyari habang nag-ooperate ang mga pekeng non-government organizations (NGOs) na ang gumawa rin ay si Napoles. Pinatotohanan ito nina Benhur, Merlina Suñas, Gertrudes Luy, Arlene Baltazar, Marina Sula at Simonette Briones. Sabi ng whistleblowers, nagsisinungaling si Napoles.

Sabi ni Sen. Miriam Defensor Santiago, maaari raw patayin si Napoles kaya pinayuhan ito na magsabi na ng mga nalalaman. Kapag daw nasabi na ni Napoles ang lahat wala na siyang dapat ikatakot. Pero sa kabila ng payo ni Santiago, matigas pa rin ang paninindigan ni Napoles. Ayaw niyang magsalita. Wala raw siyang alam. Inosente raw siya.

Walang dapat ingatan sa kontrobersiyang ito kundi ang whistleblowers. I-secure ang kanilang buhay. Huwag silang pababayaan. Marami silang alam ukol kay Napoles at sa mga mambabatas na sangkot. Kapag nawala sila, sayang ang pagpupursige sa kaso. Mas mahalaga sila kaysa kay Napoles kaya nararapat pag-ingatan. Desperado na ang mga taong sangkot sa scam at gagawin ang lahat para matigil ang imbestigasyon.

vuukle comment

ARLENE BALTAZAR

BENHUR

BENHUR LUY

GERTRUDES LUY

JANET LIM NAPOLES

KAPAG

MARINA SULA

MERLINA SU

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with