^

PSN Opinyon

Modus: ATM card switching

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT sa mga estrangherong lumalapit at nagmamagandang-loob sa inyo. Posibleng mabiktima kayo at masimot ang laman ng inyong ATM card.

 Sa mga lugar na maraming automated teller machine, tumatambay at nagmamanman ang mga kawatan. Ang kanilang estilo, mag-aalok ng tulong o mag-aasiste kuno sa pagwi-withdraw ng pera.

 Si Susan, 80-anyos at retiradong guro, biktima ng nasabing modus. Ayon sa kanya, nilapitan siya ng isang babaing nag-aalok ng tulong habang nagwi-withdraw sa ATM. 

Estilo ng mga dorobo na magmagandang-loob sa ganitong uring modus. Lingid sa kaalaman ng biktima, sa paglapit pa lang sa kanya, nasilip na ng kawatan ang kanyang PIN code.

 At nang kunwaring tutulungan siyang ipasok ang kanyang ATM card, simbilis ng kidlat, napalitan agad ang card.

 Dalawang araw pa muna ang lumipas bago nalaman ng pobreng ginang na nai-switch ang kanyang ATM card. Kaya nang ipagbigay-alam niya ito sa banko, nasimot na ng suspek ang P200,000 laman ng kanyang bank account.

 Sa datos na ipinakita ng banko, nabatid na ang card na naipalit kay Susan  hindi rin pala pag-aari ng kawatan. Lumalabas na napitik din ito sa iba pa nilang nabiktima.

 Kung uusisain, ang estratehiya ng mga nagpapanggap na good Samaritan, walang pinagkaiba sa budol-budol gang. Lugar at sitwasyon lang ang pinagkaiba, pero ang motibo ay iisa.

 Paalala ng BITAG, maging alerto sa mga nag-aalok ng tulong. Maging paladuda at baka ang kausap mo’y minomodus ka na. Marami na ang nabiktima sa ganitong hokus-pokus. Mag-ingat.

AYON

DALAWANG

ESTILO

KAYA

LINGID

LUGAR

LUMALABAS

MARAMI

SI SUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with