^

PSN Opinyon

Maganda pa rin ang lo-tech

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

High-tech na ang maraming bagay sa ating buhay, kaya nagiging high-tech na rin ang ilang pangkaraniwan na gawain, tulad ng shopping. Nabanggit na ang pag-order ng pagkain online, na dalang babala. Noong nakaraang pasko, may nag-order ng lechon sa internet, para makaiwas na sa trapik at makatipid sa oras dahil sa libreng delivery. Pero nang dumating ang lechon, may kasamang sangkap na hindi malinamnam, uod. Kaya nagsilbing babala na para sa mga may planong bumili ng pagkain online, na mag-ingat at mamili lamang sa mga kilala at tanyag na kainan.

Ibang reklamo naman ang umaabot sa mga otoridad. May ilang namili ng mga mamahaling kagamitan online, na hindi natanggap ang kanilang mga pinamili tulad ng mga iPad, cellphone at kung ano pang mga popular na gadyet. Sa isang kilalang online shopping website, Sulit.com, namili ang mga nagreklamo. Naniwala sa nagbebenta dahil doktor pa umano, may larawan at telepono, kaya kampanteng binili ang mga “binebenta”. Pero matapos bayaran, wala namang dumating na gamit. Naloko na! Base sa imbistigasyon, ginamit lang ng mga manloloko ang identity ng nasabing doktor, kumpleto pati larawan. Pero ganun nga, raket lamang.

Malayo pa tayo sa pagiging kampante pagdating sa online shopping tulad sa Amerika. Bagama’t kilala ang Sulit.com, hindi lahat ng nagbebenta ng kagamitan ay mapagkakatiwalaan, dahil sa marami pa rin ang maloloko sa internet. Kapag namimili sa internet, lalo na sa ating bansa, ang dapat na sistema ay kaliwaan. Kung may napupusuang gamit na binebenta sa internet, kailangan magkasundo na kaliwaan ang magiging pamamaraan para makumpleto ang transaksyon. Ibig sabihin, magkita sa isang ligtas na lugar, at magkaliwaan ng bayad at gamit. Dapat ma-testing rin na maayos ang gamit bago ibigay ang bayad. Mahirap kumita, kaya dapat sulit nga ang binibili mo. Huwag ibigay lamang sa mga magnanakaw ang pinaghirapan mong pera. Sentido kumon na rin, dahil paano mo masisiguro na ipadadala nga ang binili mo sa internet kung binayaran mo na, hindi ba? Kaya kahit high-tech na nga ang ating buhay, may mga lo-tech na pamamaraan na mas maayos pa rin, sa totoo lang. Pumunta sa tindahan, at doon mamili. Kapag sira, maibabalik pa. Hindi ba mas may proteksyon ka?

AMERIKA

BAGAMA

DAPAT

HUWAG

IBANG

KAPAG

KAYA

PERO

SULIT

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->