^

PSN Opinyon

Iba’t ibang threat groups

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

ANG Mindanao ay nahaharap sa iba’t ibang threat groups hindi kagaya ng Metro Manila at ibang bahagi ng bansa na ang pinaka-malaki nilang problema ay ang kriminalidad lamang.

Hindi na kaila na parating nakikita  sa mga TV reports na laganap ang krimen sa Metro Manila at karatig lalawigan nito.

Ngunit kung ang pag-uusapan ay Mindanao, talagang ibang perspective na ‘yon dahil lumalabas na sari-sari ang mga naging security problems sa katimugan. 

May tinatayang lima o anim na threat groups sa Min­danao --- andyan ang Moro Islamic Liberation Front, ang New People’s Army, Moro National Liberationt Front, Abu Sayyaf, bandits at maging mga sindikato at iba pang mga kriminal. Andyan pa ang Bangasamoro Islamic Freedom Fighters na nagbibigay dagdag  sakit ng ulo sa mga taga North Cotabato.

Naging sentro ng atensyon ang higit tatlong linggong standoff sa Zamboanga City sa pagitan ng government troops at ng mga MNLF forces.

At walang humpay din ang pag-atake ng mga NPA ma­ging ng mga MILF at BIFF forces sa kanilang kanya-kanyang targets sa Central at Southern Mindanao.

Andun na rin ang sunud-sunod na pambobomba sa key cities ng Mindanao.

At alam ng lahat ang karahasan na ginagawa ng Abu Sayyaf  sa may bandang Western Mindanao.

At hindi maiwasang isipin na ang Mindanao ay sadyang pinaglalaruan din ng mga grupong may iba’t ibang interest din. Masyado nang inaabuso at pinagsamantalahan  ang Mindanao maging  ng mga nasa pamahalaan.

At may threat groups pa na kung tutuusin kinabilangan ng mga may interest gaya ng United States of America. Naglalaro ang mga Kano rito sa Mindanao sa pakisawsaw nila sa military operation ng ating Armed Forces of the Philippines.

Ang kamay ng ating mga karatig bansa na Indonesia at Malaysia ay lumalabas din sa kung paano sila naging bahagi ng peace process sa Mindanao.

Maraming balakid sa  minimithing kapayapaan sa Min­danao at kasama na rito ang problemang dulot ng mga nasabing threat groups.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGASAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

METRO MANILA

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATIONT FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with