^

PSN Opinyon

Sino ang nagpapatay kay Kae Davantes?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi kumbinsido si Vince Davantes ang    uncle ng pinaslang na advertising executive na si Kris­telle “ Kae” Davantes sa isinampang kaso ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police sa anim na akusado. Kasi nga, ayon kay Vince mukhang inapura ang pagsampa ng kaso sa mga akusado na sina Samuel Decimo, Lloyd Benedick Enriquez, Jomar Pepito, Reggie “Jojo” Diel, Baser Manalang at Jorick Evangelista. Tugma naman umano ang salaysay ni Decimo sa NBI nang maaresto ito at lalo siyang napaniwala nang maimustra ni Decimo ang tunay na pangyayari nang magkaroon ito ng re-inactment sa ilalim ng tulay ng Silang, Cavite. Ang masakit at mukhang hindi matanggap ni Vince ay kung sino ang nag-utos sa brutal na pagpatay sa kanyang pamangkin noong September 7.

Sa puntong ito hindi mawala ang hinala tuloy ng aking mga kausap sa Manila Police District headquarter’s na inapura lamang ang kaso upang makubra ang P2.5 reward money. Hehehe! Ang masakit mukhang nagkaroon pa ng lamat ang magandang pagtitinginan ng NBI at ng National Capital Region Police Office sa kaso ni Davantes, Kasi nga mas pino sana ang kasong isinampa ng NCRPO Task Force Kae kung nakipagtulungan lamang ang NBI na ipahiram sa kanila si Decimo. Ang masakit naghahabol din ng kredito ang NBI kung kaya hindi nila naibigay sa NCRPO-TFK si Decimo. Si Decimo na kaya ang makakaahon sa kahihiyan ng NBI matapos mapulaan sa Napoles cases? Ano sa tingin n’yo mga suki!

Kung sabagay nang tanungin ko si DRDO C/Supt. Chris­ topher Laxa kung ano ang kanilang plano sa “reward money” walang kagatol-gatol na tinuran ni Laxa na ibibigay na lamang sa mga biktima ng Zamboanga standoff ang P2.5 milyon para makatulong sa pangangailangan ng mga evacuees. Saludo ako sa tinuran ni Laxa dahil sa totoo lang, trabaho ng kapulisan at NBI ang manghuli ng mga kriminal sa lansangan na di dapat tapatan ng reward money. Get n’yo mga suki! Subalit sa kabilang banda naman, kung nais talaga ni Vince Davantes na mabigyan ng katarungan ang kanyang pamangkin na si Kae dapat lamang na tumigil muna siya sa kapuputak at baka lalong lumabo ang kaso sa korte. Abangan! na ibibigay na lamang sa mga biktima ng Zamboa­nga standoff ang P2.5 milyon para makatulong sa pangangailangan ng mga evacuees. Saludo ako sa tinuran ni Laxa dahil sa totoo lang, trabaho ng kapulisan at NBI ang manghuli ng mga kriminal sa lansangan na di dapat tapatan ng reward money. Get n’yo mga suki! Subalit sa kabilang banda naman, kung nais talaga ni Vince Davantes na mabigyan ng katarungan ang kanyang pamangkin na si Kae dapat lamang na tumigil muna siya sa kapuputak at baka lalong lumabo ang kaso sa korte. Abangan!

ABANGAN

BASER MANALANG

DAVANTES

DECIMO

JOMAR PEPITO

JORICK EVANGELISTA

LAXA

VINCE DAVANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with