^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag pabayaan ang ‘whistle blowers’

Pilipino Star Ngayon

KUNG tutuusin, si Janet Lim-Napoles ang nag­hulog sa sarili niyang hukay kaya nabulgar ang P10-bilyon pork barrel scam na umano’y kanyang minaniobra. Nilagay niya umano sa detention ang dating empleado at ito ang naging daan para “kumanta­”. Nabulgar ang anomalya at ngayon ay dumarami pa ang whistle blowers na handang ilahad ang mga ginawa umano ng negosyante.

Noong Huwebes, may lumutang na namang whistle blower at sinabing ginawa siyang presidente ng isang foundation ni Napoles. Ang whistle blower ay isang maid sa Hong Kong. Umuwi siya para lamang tumestigo sa mga ginawa ni Napoles. Nakahanda umano siyang sabihin ang lahat nang nalalaman ukol kay Napoles.

Mahigit 10 na ang whistle blowers ni Napoles na pinangunahan ni Benhur Luy. Na-rescue ng NBI si Luy sa isang bahay ni Napoles sa Makati. Mula noon, isiniwalat na nito ang maraming bank account ni Napoles na pinagdedeposituhan ng mga pondong nakukuha sa pork barrel ng mga mambabatas. Nang sumuko si Napoles kay President Aquino, nabuhayan ng loob ang mga whistle blower sapagkat makakasuhan na ng plunder ang negosyante.

Pero sabi ng ilang tao na naging whistle blower din, maaaring mawalan ng saysay ang paglantad ng mga whistle blower ni Napoles sapagkat hindi sila gaanong binibigyan ng proteksiyon ng gobyerno. Mawawalan daw ng interes ang mga whistle blower sa kaso ni Napoles at tiyak na malilimutan na ito.

Inihalimbawa ang nangyari sa whistle blower ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante na ngayon ay hindi na raw nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno. May sakit sa kasalukuyan ang whistle blower at umaasa sa ibinibigay na financial support ng gobyerno pero tila itinigil na umano.

Ngayong maraming whistle blowers ang handang magpatotoo sa mga ginawa ni Napoles, dapat nang magkaroon ng leksiyon ang gobyerno. Huwag pabayaan ang mga ito. Nasa kanila ang susi para mapanagot ang “utak” ng P10-billion pork barrel scam ganoon din ang kongresista at senador na nilustay ang pondo na para sa taumbayan. Alagaan ang whistle blowers.

 

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCJOC BOLANTE

BENHUR LUY

BLOWER

HONG KONG

NAPOLES

NOONG HUWEBES

PRESIDENT AQUINO

WHISTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with